Chapter 16

16 2 0
                                    


Marga's POV

Kahapon pinauwi kami ng mga boss namin dahil hindi nagsipasok mga staff ng building. Tanginang mga 'yon akala siguro high school pa sila. Kakaltasin daw sa sweldo nila iyon, buti nalang pumasok ako kahapon at hindi nagatamad-tamaran.

As usual, dahil I am now a changed woman, maaga na lagi akong pumapasok. Umalis ako ng bahay katulad ng oras ng pag-alis ko kahapon. Si Mama at Marlon ay nakabalik na galing sa mahabang bakasyon, buti pa sila at nakakapag-pahinga. Hindi naman sa nagco-complain ako dahil wala kaming lalamunin pero parang ganon na nga.

Naghanda si Mama ng tinapay at binaon ko nalamang ito at kinain on the way, nagugustuhan ko na rin kasi lumakad-lakad early in the morning, ewan ko ba.

Bago ako dumiretso sa trabaho, tumambay muna ako sa dati naming pinagkakainan ni Zander ng fishball, wala lang bakit. Wala na yung punong pinagsisilungan namin palagi tuwing kakain dito dahil ginawa na itong waiting shed para sa magulang ng mga bata. Umupo ako dito dahil dito mismo sa spot na ito kami tumatambay. Iisa lang kami ng pinagtatrabahuhan ni Zander pero hindi nagtatagpo ang landas namin, hindi ko nga alam kung alam n'yang sa kompanya nila ako nagta-trabaho, or kung iniiwasan lang n'ya ako.

Pero sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko kung sakaling dumating yung oras na malaman ni Zander na sa kompanya nila ako nagtatrabaho. Baka hindi ako makapagsalita, sa dami ng gusto kong itanong sa kanya bago sya umalis baka wala ni isa doon ang masabi ko sa harap n'ya.

Tumayo na ako at nagpatuloy sa paglalakad, Biglang nagbago ang mood ko pagkatapos kong dumaan sa tagpuan namin na iyon. Hindi ako malungkot, marami lang gumugulo sa isip ko sa ngayon.

Nakarating na ako sa tapat ng building, at binati ko sila kuya ng magandang umaga. Tahimik akong pumasok sa office namin at as usual ako nanaman ang tao. Kung maka as usual ako eh kahapon lang naman ako nagsimulang pumasok ng maaga.

Nagbabasa ako ng files ng biglang nagtext sa akin si Lance.

'Good morning Marga, I'm sorry di ako makakapasok ngayon pero may meeting ulit mamaya 9:00 AM with the executives at ikaw ang ginawa kong representative since alam mo naman ang ginagawa natin dito. I know you can do it. Good luck!' he texted.

What the actual f--, anong malay ko sa meeting na 'yan. Hindi ko naman pwedeng tanggihan dahil baka mapasama ang department namin at mawalan pa ako ng trabaho. Pano ang gagawin ko!

Bigla namang dumating si Irene na nakita akong nagpa-panic.

"Nyare baks?"

"Ako ginawang representative ni Lance, anong gagawin ko doon?" habang nanginginig ang boses ko sa kaba.

"Wag ka mag-alala hindi naman matanong ang mga 'yon, gusto lang nila marinig ng lahat ng department ang pagme-meetingan. Kaya mo 'yan ikaw pa talakera ka." she said, nang-insulto pa ang gaga.

It's almost 8:30 at nate-tense ako dahil sa talambuhay ko ng pagtatrabaho dito sa kompanya ay ngayon lang ako makaka-attend ng meeting kasama ang mga boss. Tangina naman kasi ni Lance bakit naman kasi hindi sya makakapasok ngayong araw.

Tumawag ako sa kanya at nung nagsalita sya ay medyo nanghihina ang boses n'ya.

"Okay ka lang Lance?" I asked

"Oo okay lang ako, nagkaroon lang ako ng sinat. Malapit na mag start ang meeting, goodluck ha." he said.

"Gusto pa sana kitang bulyawan dahil inipit mo ako dito, pero magpagaling ka ha, hindi ko kaya pag wala ka dit--" biglang namatay ang tawag dahil naubusan na pala ako ng load, sasabihin ko sana na hindi ko kaya ang trabaho dito pag wala sya.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon