ERICKA'S POV
Nang makauwi kami ng bahay ay sinundo ni Kuya si Andrei. Napagtanto ko rin na hindi parin umaalis dito sila Nica. Lumapit sila sakin at niyakap nila ako isa Isa.
"Nalaman namin ang nangyari, Condolence Ericka." malungkot na wika ni Colleen.
"Oo nga,condolence bhe." si Sherry.
"Condolence, Ericka." ani Aye.
"Condolence.." si Nica.
"Thank you, buti hindi pa kayo hinahanap ng mga magulang niyo?" usal ko habang pinupunasan ang luha sa pisnge.
"Alam na rin nila, kaya nag-stay na kami dito... pupunta din sila dito mamaya." paliwanag ni Sherry.
"Gano'n ba? Dito muna kayo sa sala, magbibihis lang ako." Saad ko at pumanik sa kwarto.
Pagkasarado ko ng pinto ay muling bumuhos ang luha sa aking mata. Pumasok ako sa banyo at tinignan ang sarili.
'S-Salamat sa lahat Tita..'
Nang mahimasmasan ako ay naligo ako at nagbihis. Inasikaso ko ang paglalagyan ng pwesto ni Tita, tinulungan din ako nila Colleen sa pag-aayos ng bahay.
Nakauwi narin si Kuya kasama si Andrei, malamang ay hindi pa sinasabi ni Kuya kay Andrei ang nangyari... dahil nagtataka siya nang makita kung anong ginagawa namin.
Ang mga upuan na galing sa purinarya ay nandito na at inaayos na namin. Abala ang lahat, pati kapit-bahay namin. Malapit silang lahat kay Tita Sallie. Kung kaya't hindi ako nagtaka ng tumulong sila.
At si Mama... mayaman na pala siya. Siya ang nagbayad sa lahat ng gagastusin sa burol ni Tita, pati din sa libing.
Maya maya pa ay may dumating na Van, naipinagtaka naming lahat. Binuksan yun ng lalaking nasa passenger seat. At tumambad samin ang mga eleganteng tao. Sa panunuot palang ng damit ay masasabi mong mayaman sila.
Lahat sila ay nakaitim. Mas ipinagtaka pa namin ng lumapit si Mama sa kanila at nagbatian. Nagpatuloy naman sila sa paglalakad patungo sa direksyon namin.
"A-Ah Anak sila Lola mo." Sabi pa sakin ni Mama.
Ngumiti naman silang lahat sakin.
"Hello apo, ngayon lang kita nakita pero ang gaan na nang loob ko sayo." nakangiti munit ramdam kong sarkastikong iyon.
Lumapit naman ang isang lalaki na kasing edad ni Mama.
"Condolence, Ako si Tito Triss mo.." Sabi niya at pilit naman akong ngumiti.
Nagtataka namang tumingin sila Aye sakin. Lumapit naman ang isang babaeng kasing edad lang din nung Tito Triss ko daw.
"Hi, condolence... I'm Becky, your Tita.." kinamayan niya naman ako.
Matapos nilang magpakilala sakin ay ako naman ang nagpakilala sa kanila.
"Ako po si Ericka Athena Valencia." Sabi ko.
"A-Ah Anak, asan ang kuya Kim mo at si bunso?" tanong ni Mama.
"Binibihisan po ni Kuya si Andrei, sa taas..."tugon ko. "Ma.. pwede po ba tayong mag-usap?"
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
General Fiction"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...