ERICKA'S POV
Habang patuloy kami sa paglalakad ni Brix kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang mga pinaggagagawa niya. Nakangiting aso, bumubulong, tapos pagkatapos bumulong ay para bang kiniliti ng sampung tao sa tuwa.
'Nagiimagine na naman panigurado..'
"Oy," tawag pansin ko pero mukhang nalunod na sa imahinasyon ang loko. Kaya naman huminto ako at siya naman ay patuloy sa paglakad.
Ilang milya lang naman ang layo namin ng bigla siyang huminto at parang baliw na nagmasid sa paligid. Ngumisi lang ako at pinagmasdan siya. Nang buamling siya sakin ay agad siyang tumakbo palapit sakin.
"A-Anong nangyari? B-Bakit nandoon ako?" sunod sunod niyang tanong.
"Ewan oo sayo." kunwaring sagot ko.
Napakamot naman siya sa ulo at mukhang iniisip mabuti kung bakit nga siya nandoon. Nagsimula akong maglakad muli at maramdaman kong sinunod siya sakin.
"Oy, saan tayo pupunta?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
'Ano raw? Saan kami pupunta?Nananaginip ata siya ng gising..'
"Ewan ko sayo kung saan ka pupunta... basta ako kung saan ako dadalin ng paa ko." tugon ko munit hindi tumingin sa kaniya.
"Eh sama ako sayo." nakangusong singhal niya.
'Hindi ka cute okay, wag kang gumanyan ganyan sa harap ko at baka managanip ka talaga ng gising at ang makikita mo lang ay nga bituin..'
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa malayo habang naglalakad. Hanggang sa makarating kami sa garden. Humiga ako sa damuhan at ganun din si Brix. Hindi ko siya pinansin at ipinikit ko ang mata ko.
Maya maya pa ay naramdaman kong may nakaharang sa mukha ko kaya iminulat ko ang mata ko. Halos hindi ako makapagsalita sa gulat,ng matuklasan kong napakalapit ng mukha ni Brix sakin. At isang hinliliit lang ang pagitan namin. Sandali pa siyang tumitig sakin ng iniwas ko ang tingin at direksyon ng mukha ko.
"Pasensiya na,hindi ko sinasadyang gawin yon," paumanhin niya pero hindi ako sumagot. "Kung ayaw mo muna akong kausapin, sige alis muna ako." rinig kong dagdag niya.
Hindi ko alam pero meron sa loob ko na gusto ko siyang pigilan. Kaya naman...
"T-Teka!" pigil ko, sa pagakmang alis niya. "O-Okay lang yon, b-basta wag mo nang uulitin." ako.
"Sorry talaga."
"Bakit mo kasi ginawa yon?"
"W-Wala,"
"Bakit nga?"
"Basta wag kang makulit!"
"Okay."
Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Muling nagsalita si Brix at ako naman ay patuloy na nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Tapos nilagyan ko ng hot sauce yung spaghetti niya, kaya ayun... iyak siya ng iyak hahahahahaha." masayang kwento ni Brix.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
Ficción General"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...