ERICKA'S POV
"Pinapakita mo naman na ayaw mo sakin---"
"Sasagutin ba kita kung ayaw ko sayo.."putol ko sa sasabihin niya.
Kita ko naman ang gulat sa mukha at sa mata niya.Napapikit pikit pa siya at napalunok lunok pa.
'Ano?Natameme ka ngayon?Tss..'
Nakatingin lang siya sakin at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.Sinampal sampal niya pa ang pisnge niya at saka kinurot ang ilong.
"Aray!"daing niya.
'Parang timang lang ang gags..'
"H-Haruko tama ba ang pagkakarinig ko?'Sasagutin mo ba ako kung ayaw mo sakin',tama ba?"Hindi makapaniwalang tanong niya.
Napabuntong hininga na lang ako at tumango.Nanlaki naman ang mata niya at tinakpan niya pa ang bibig niya.Na animong gulat na gulat.
'Mukhang tanga amp..'
Napansin ko namang nakatingin ang dalwang alagad nitong si Sakuragi---Brix!Kingina nahahawa na talaga ako sa kabaduyan ng bading na'to.Nakita kong naguguluhan sila Troy at Paul sa inaakto ni Sakuragi.Napangisi naman akong tumingin kay Sakuragi at napalunok pa siya.
"A-Anong nginingisi ngisi mo diyan?"pagsusungit niya.
"Wala.."tugon ko at ininom ang isang lychee juice.Iminom din siya tulad ko.Nakatingin siya sakin at ako rin.Nang umayos ako ng upo ay ginaya niya rin ako.
Kumunot naman ang noo ko sa taka at ginaya niya rin yon.Hinawakan ko ang buhok ko at hinawakan niya rin ang buhok niya.Ipinasok ko naman ang hintuturo ko sa ilong ko at tulad ng inaasahan gagayahin niya rin yon.Napangisi ako.
'Magagawa kaya ne'to ang binabalak ko?Tss..'
Naglalaban naman ang titig namin.Parang may kuryenteng naglalaban sa pagtitigan namin.Nang bigla kong dilaan ang hinliliit ko at nagulat siya.Lalo akong napangisi.
"K-Kadari ka!"nandidiring usal niya.
"Bakit?Anong nakakaridiri don?"ngising tanong ko.
"Anong nakakadiri?Seriously,you just lick your index finger after you put it in your nose!Yak!"nandidiring saad niya pa.
"Tss...hinliliit ang dinilaan ko,makayak ka diyan...bading.."ngising wika ko.
"A-Anong bading!?Kadiri naman talaga yung ginawa mo!Kababasng tao mo.."lintaya niya.
"Kesa naman sayo,kalalaking tao napakaarte...dinaig mo pa ako tsk.."usal ko.
"Tsh!Sino ba naman kasi ang hindi mandidiri sa ginawa mo!?"singhal naman niya.
"Wag ka magaalala,hinliliit ang dinilaan ko.."sambit ko.
"Sinong niloko mo!?Hindi mo'ko mapapaniwala..."Saad niya.
'Tss edi wag kang maniwala..'
"Okay.."anas ko.
"Tsh,tapos ka na ba?"pasinghal niyang tanong.
"Kanina pa.."tugon ko.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
Fiksi Umum"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...