BRIX'S POV
Habang nasa daan ay patuloy pa rin ang kilig na idinudulot sa'kin ni Haruko.Parang ako na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo! Hahahahahaha.
"Hahaha,kunwari pa kinikilig din naman siya kanina.."wika ko at saka pinindot ang player.
Playing:Dahil sayo by Inigo Pascual
"Araw araw ikaw ang gusto kong kasama,buhay ko'y kompleto na dahil nandidito ka..sa tabi ko o aking giliw di ako makapaniwala.."pagsabay ko sa kanta.Napapangiti pa ako tuwing naalala ko ang pasimpleng pagtago na ngiti ni Haruko kanina.
'Nakakainis na!Lalong lumalala ang nararamdaman ko sayo,Haruko ng buhay ko!!!'
"Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na,ikaw ang tanging inspirasyon at basta't nandito ka ako'y liligaya...."pagkanta ko with matching feelings pa.Wala kang pake nasa mood ako ngayon.
'Sobrang ligaya talaga hahahaha..'
Bahay.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita kong nagluluto na ng hapunan si Manang.Umupo ako sa sofa at isinandal ang sarili.
"Mukhang pagod ka iho?Saan ka nanggaling,aba'y may naghahanap sa iyong babae kanina.."saad ni Manang mula sa kusina.Malapit lapit lang kasi ang sala namin sa kusina.
'Babae?Sino yon?'
"Sinong babae Manang?"takang tanong ko.At saka pumuntang kusina.Umupo ako sa chair at nangalumbaba.
"Aba'y kaklase mo raw siya...at ang sabi pa niya,gusto ka daw niyang imbitahan ng hapunan sa kanila.."paliwanag ni Manang habang naghuhugas ng repolyo.
Lalo akong nagtaka.Hindi naman na kami naguusap simula noong pinagtangkaan siyang gahasahin.At saka,bakit ako?Di ba dapat babaeng kaibigan niya ang niyaya niya?Hindi sa sinasabi kong hindi ko siya tinuturing na kaibagan,ang akin lang ang akward naman siguro non dahil hindi na kami naguusap.
"Si Jeanne Manang?"pagiiba ko ng usapan.
"Nasa kwarto niya iho,tuwang tuwa pa nga ng dumating siya...siguro'y may nangyaring maganda sa araw niya.."tugon ni Manang.
'Magandang nangyari!?'
Nagmadali akong umakyat papunta sa kwarto niya.Pagdating ko sa tapat bg pinto niya ay narinig ko pang tumatawa siya.
*KNOCK!* *KNOCK!*
"Jeanne buksan mo ang pinto.."mahinahon kong utos.Narinig ko naman ang yapak niya at bumukas naman ang pinto.Mayroon siyang malaking ngiti at maniningning na mata."Saan ka galing?"tanong ko.
"Kila Grey hihihi.."tugon at may kasama pang kilig.Napsinghap ako at dumungaw sa kwarto niya.
"Sinong kasama mo diyan?"tanong ko habang pinagmamasdan ang buong paligid.
"Nothing,I'm alone...you see,I'm the only one in here okay.."paglilinaw niya.
"Then why are you laughing alone? You're just happy?Or very happy?"sunod sunod kong tanong na ikinakunot ng noo niya.Nagcross arm siya at ako rin.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
General Fiction"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...