ERICKA'S POV
"E-Ericka,gising ka na.."rinig kong saad ng isang lalaki.
Daha dahan kong iminulat ang mata ko at nasilaw naman ako sa ilaw na nakatutok sakin.
Pinakirdaman ko ang buong katawana ko.Medyo masakit parin ang ulo ko at pakiramdam ko ay may nakahawak sa dalawang kamay at braso ko.
"N-Nasaan ako?"tanong ko.
'Wala na ata akong boses!?'
"Nasa hospital ka,Ericka..wag kang magalala.."tugon nung lalaki kaya naman napatingin ako sa kaniya.
S-SI B-BRIX????
"B-Bakit nandito ka??"takang tanong ko.
"Binantayan kita,alam mo nagalala talaga ako ng sobra sayo.."malungkot na aniya.
Napatingin naman ako sa kamay kong hawak hawak niya.Inalis niya ang pagkakahawak niya doon ng mapansin niyang nakatingin ako don.
"K-Kamusta naman ang pakiramdam mo?May masakit pa ba sayo?"sunod sunod niyang tanong.
"Okay naman na ako,medyo sumasakit lang ang ulo ko.."tugon ko.
Ngumiti naman siya ng mawalak.Napatingin naman ako sa kaliwang kamay ko.Natutulog ngayon si Lally sa gilid ko habang nakahawak parin sa kamay ko.
"Magdamag kasi kaming nagbantay sayo kaya tulog na tulog yan pati si ate Lei,ayon sa sofa.."turo niya pa Kay Ate Lei.
Lumingon naman ako sa kinaroroonan ni Ate Lei.Buti na lang at malaki ang sofa.
Tumayo naman si Brix sa pagkakaupo at tumungo sa kabilang kwarto at yon.Nakita kong may paang nakalaylay doon,kaya tatayo na sana ako ng biglang....
"Ericka!"biglang sigaw ni Lally.
Nananaginip siya at mas lalong humigpit ang kapit niya sa braso ko kaya naman inuga uga ko siya.
"Lally..Lally.."tawag ko.
"Bakit!?Ano!?"natatarantang aniya.
"Binabangungot ka.."malumanay kong tugon.
Hindi naman siya sumagot at napatitig sakin.
"Pakisapok nga ako.."ani niya.
*Pok!*
Sinapok naman siya ni Ate Lei na gising narin.
"Aray!Ate naman!"ingit ni Lally.
"Sabi mo pakisapok ka,yan sinapok na kita.."si Ate Lei."Buti naman at gising ka na.."dagdag niya pa.
"Ano bang nangyari sakin?Bakit nandito ako sa hopital?"sunod sunod kong tanong.
Nakita ko namang may dalang tray si Brix at nakalagay doon ay mga tasa,magkakape na siguro sila.
Inabot muna iyon ni Ate Lei at ni Lally.Humigop silang tatlo non at ako naman ay naghihintay ng sagot ni Ate Lei.
"Kahapon ng umaga ay kinumbulsyon ka sabi ni Tito nick,tapos nung umatake ulit yung kumbulsyon mo ay dinala ka na dito sa ICU..pangalawang araw na natin dito ngayon.."ani Ate Lei.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
Ficção Geral"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...