ERICKA'S POV
'Ano ba ang pakiramdam na'to?'
Nakita ko pa ang pagbaba at taas ng adams apple niya. Nang ibalik niya ang tingin sa mata ko ay may halong sabik akong nababasa sa mata niya. Mabilis akong umiwas at ganon rin siya, bahagya siyang lumayo sa'kin ngunit hindi ganon kalayo. Nanaig ang kahatihimikan sa pagitan namin. Ilang saglit pa bago siyang magsalitang muli.
"E-Ehem, u-umm..ano, u-uuwi na ako, matulog ka na rin. H-Haruko, sabay tayo ulit bukas.." usal niya kaya nilingon ko siya. Nang masalubong ko ang tingin niya ay nilabaalnan ko pa 'yon.
"H-Hindi na, salamat na lang.." pagtanggi ko na ikinangisi niya ng bahagya.
"H-Haruko naman e, minsan lang naman tayo magsabay.." angil niya. Umawang naman ang labi ko.
"Sabay tayong pumasok, at uwi kanina. Hindi pa ba yon okay?" takang tanong ko, napakamot naman siya ng ulo.
"T-Tsh, sige basta sabay tayong uuwi.." aniya.
"Kelan ka ba mauubusan ng hiling? Hindi naman ako shooting star na kayang gawin lahat ng hinihiling mo.." naisaad ko, napapangiwi siyang nag-cross arm.
"Ikaw ba ang star sa Starbucks?" biglang tanong niya. Napakunot naman ng bahagya ang noo ko.
'Ano na naman ang pakulo ng siraulo na 'to? Tsk..'
"Hindi.." lintaya ko at napalaylay naman ang balikat niya.
"Haruko, umayos ka nga.." utos niya at napabuntong hininga na lang ako.
"Osige, bakit?" wika ko at umayos naman siya sa pagkakatayo.
"Ikaw kasi ang star ng bu—"
"Anak ng tupa," pagputol ko sa sasabihin niya. Tumingin ako sa kaniya ng deretso. "Simulan mo ng maglakad, Sakuragi hangga't nagtitimpi pa ako.." nagbabantang usal ko. Nakita ko naman ang takot at kaba sa reaksyon niya.
"A-Ah excuse me lovers," biglang singit ni Kuya, parehas kaming napatingin sa kaniya.
"Bakit?" tanong ko. Tuluyan naman siyang lumabas sa paglakasilip sa may sliding door. Pumagitna naman siya saming dalawa at nagpalitpalit pa ng tingin.
"I just wanna know if you guys have school tomorrow? It's getting late na kasi, and madilim na rin sa daan.." tugon ni Kuya at lumagpas naman ang tingin ko sa kaniya.
"Sige, ihahatid ko na sa labas si Sakuragi.." usla ko na ikinagulat nila, pati na rin ako.
"Woah, nice endearment..but too baduy, anyways..take care Brix.." nangaasar na wika ni Kuya, pilit ko siyang nginitian.
"S-Sige.." naitugon na lang ni Sakuragi.
Sa gate ay patuloy pa rin ang pangungulit ni Sakuragi. Nakasakay na siya ngayon sa driver's seat at nakababa ang bintana.
"Tsh! Sige na nga, payag na ako na hindi tayo sabay pero wag kang mawawala sa birthday ko.." anas niya na ikinabahala ko. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. "Ha? Haruko? Dapat nandon ka.." dagdag niya pa at ngiti na lang ang tanging naitugon ko.
'Hindi ako sigurado, Sakuragi pero susubukan ko..'
Naisip kong mabuting wag muna akong makisalamuha sa inyo. Ayokong madamay ang kahit isa sa inyo, lalo ka na. Gustong gusto ko silang protektahang lahat pero wala akong mapagsabihan. At natatakot rin ako na baka kapag nalaman niya na hindi ako isang ordinaryong babae, na hindi ako tulad ng mga nasa fairytale, baka matakot lang siya sa'kin.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
General Fiction"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...