Chapter 24

66 11 2
                                    

BRIX'S POV

Nang makaalis sila Haruko ay panay naman ang tukso sa'kin nila Paul at Troy. Hindi ko naman maitatangging kinilig ako kahit na naiinis ako sa kaniya. Pinagmasdan ko ang bigay niyang isang bag ng chichirya at limang bottled juice.

'Hindi kaya magkasakit ako sa bato ne'to? Bahala na atleast galing sa kaniya hehehe..'

"Nako ngingiti ngiti na ang selosong bading.." rinig kong usal ni Paul, sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong bading? Baka ikaw ang bading tsh, nababadtrip na naman ako dahil sayo Leonie.." singhal ko. At saka ko tinignan ang mga chichiryang 'yon.

"Easy pre, ang mahalaga naalala ka ng Haruko mo hahahaha.." tawa tawa niyang pangaasar. Si Troy naman at nakitawa na lang.

"Teka nga lang, sino nga ba ang Lucifer na yon?" biglang tanong ni Troy na ikinasalubong bahagya ng kilay ko.

"Oo nga.." si Paul.

'Tsh!'

"Wag niyo na ngang banggitin ang pangalan ng lalaking yon..." naisaad ko at natawa naman silang dalawa. "Anong nakakatawa?" takang tanong ko.

"Masyado kang seloso pre, curious lang kami.." pagpapaliwanag ni Troy.

"Tsh.." singhal ko. Umayos na lang ulit kami sa dating pwesto.

Maya maya lang ay nagumpisa na ang klase. Nakakainis lang dahil hindi ako masyadong makapagfocus sa lesson namin, pano naman kasi yung Lucifer na yon. Badtrip!

'Pwede naman sa iba na lang siya magpatour guide kesa sa Haruko ng buhay ko, tsh!'

"Yari ka sa'kin mamaya.." Ani ko.

"Alejo! Are you listening?!" sigaw bigla ni Miss Vientope.

"P-Po? O-Opo.." utal kong tugon.

"Are you sure?! Then why are you talking to yourself?! Are you out of your mind, Alejo?!" galit na sunod sunod na tanong ni Miss Vientope, napatungo na lang ako.

'Hindi ko naman alam na nasabi ko yon, bwiset!'

"S-Sorry Miss.." paumanhin ko.

"Answer my question, who is the first man who walk on the moon?!" tanong pa ni Miss.Napakamot naman ako sa ulo ko.

'Sino ba kasi?! Si Michael Jackson ba?Hindi!Moon Walk yon e, nakakainis!'

"S-Si....Neil Armstrong po.."Ani ko at tumango naman si Miss.

Nang biglang may kumatok at bumungad samin sila Savien.

"Umm good afternoon po, may ia- announce lang po sana ako.." wika ni Savien.

"Kung ganon ano yon?" si Miss.

Tuluyan naman siyang pumasok sa room at humarap saming lahat.

"Sa mga sasali sa Dance Craze ngayon na ang audition sorry dahil biglaan, ngayon lang kasi kami nagkaroon ng time para magpa-audition...kailangan na rin namin ng mga new members dahil malapit na ang intramurals...sa ngayon pumunta muna kayong gym at magruroom to room pa kami, thank you..." mahabang lintaya ni Savien.Nagsimula naman magingay ang mga kaklase ko. "Thank you po sa time Miss Vientope, sorry na rin po sa abala.." baling naman niya kay Miss.

Million Hours (ON-GOING/REVISION)Where stories live. Discover now