ERICKA'S POV
"Oy Ericka!" tawag sakin ng mga kaibigan ko. Lumapit silang lahat sa'kin.
Sina Aye, Sherry, Colleen, Nica at Mae mga kaklase ko sila na naging kaibigan ko. We were just second year highschool, but we are mature enough?
I think so. I am Ericka Athena Valencia, 13 years old."Ericka, na-miss kita!" sigaw ni Sherry sakin at nagyakap naman kaming dalawa.
"Ako din naman Sherry, miss ko kayong lahat." nakangiting anas ko sa kaniya.
Yumakap naman si Colleen sa'kin tulad ni Sherry, at nagbidahan pa kami. Nasa room kami at kakaunti palang ang pumapasok, wala pa din si ma'am kaya nagkuwentuhan muna kami.
"Hindi ka na ba nililigawan ni ano?" tanong sakin ni Colleen. Nilingon ko naman siya.
Umupo naman kami sa mga seats namin.
"Hindi, pinatigil ko na kasi ayoko siyang paasahin." tugon ko.Napangiwi naman silang lahat.
"Sayang naman yung deal," nanghihinayang na saad ni Sherry.
Bumaling naman ako sa kaniya at napangisi. Nagtataka naamn siyang tumingin sa'kin.
"Eh kayong dalawa, kamusta naman kayo?" naniningkit at nangaasar kong tanong kay Sherry.
"Ha?Nino?...ayos naman." nangi- ngiting sagot ni Sherry at napatungo pa sa kilig.
"Uyy Sherry may hindi ka sinasabi ah." kunwaring nagtatampong ani Colleen. At natawa naman si Sherry at niyakap niya si Colleen.
Natawa naman ako ng bahagya at napatingin naman ako kay Aye na nag-ffb na naman. Madalas kasing maghanap ng bagong napapanood niyang anime.
"Oy tapos mo na ba yung chasing hell?" tanong ko, bumaling naman siya sakin. At umiling.
"Hindi pa, nakakatamad kasing magbasa tsaka marami pa akong binabasa..eh ikaw?" tugon niya at napailing din ako.
"Kakaumpisa palang," sagot ko.
"Babasahin mo ba yung sequel ng I Love You Since 1892?" tanong niya pa.
"Oo, pero uunahin ko muna yung chasing hell." tugon ko.Tumabgo tango naman siya.
"Eh ikaw babae, natapos mo na ba yung binabasa mong possessive?" baling naman ni Aye kay Mae na abala sa mga kachat niya.
"Oy Mae!" tawag ko at nagulat naman siyang napatingin samin.
"Ha?" takang tanong ni Mae.
"Hakdog!" biro ko.
'Palaging lutang..'
"Ano nga?" natatawang tanong niya.
"Tapos mo na ba kako yung binabasa mong possessive!?" sigaw na paguulit tanong ni Aye.
"Hindi pa, binabasa ko pa yung He's into Her eh." tugon ni Mae.
"Ikaw pa!? Wag ka maniwala diyan Aye, alagad yan ni Cecelib imposible yun." biro ko pa. Natawa naman silang dalawa.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
قصص عامة"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...