ERICKA'S POV
"Surprise." anas ko ng makalabas si Sakuragi ng bahay. Nakita ko ang pagkagitla niya.
'Gulat na gulat? Tss..'
Nagtataka siguro kayo kung ba't biglaan akong pumunta kila Sakuragi, simple lang naman, naiwan niya yung damit niyang nabasa kahapon kaya nandito ako para ibigay sa kaniya. Malakas lakas rin ang ulan kaya ako na mismo ang nangunang bumaba, nakatulala lang siya sa'kin e. Tsk. Binuksan ko ang payong at mabilis naman niya akong pinagbuksan ng gate.
Iniabot ko sa kaniya ang damit na nalabhan na. "Nakalimutan mo kahapon, nilabhan na rin 'yan." usal ko at napatango naman siyang napangiti.
"A-Ah salamat, h-halika muna sa loob, lumalakas na ang ulan." pagyaya niya.
"Hindi na. May pupuntahan ako." pagtanggi ko at nagtaka naman siya.
"S-Saan? Sasamahan kita," wika niya at umiling naman ako.
"Kaya ko na, Sakuragi." pagtanggi kong muli at nakita ko naman ang pagaalala sa mukha niya.
"Malakas pa ang ulan, Haruko. Patilain mo muna baka madisgrasya ka pa sa dulas at lakas ng ulan." alalang aniya, hindi ko alam pero meron sa loob ko na nagugustuhan ang pagaalala niyang 'yon. Na sa isang banda ay hindi ko rin nagugustuhan.
'Wala akong choice, malakas din ang ulan. Tss..'
"S-Sige." maikling tugon ko at pinauna niya akong pinapasok.
Sa sala ay pinaupo niya ako at binigyan ng inumin. Nakita ko namang lumbas mula sa kusina sila Paul at Troy. Natunghayan ko rin ang pangaasar nilang dalawa kay Sakuragi. Sa isang basong tubig ko ibaling ang atensyon ko. Nagpadikwatro ako ng upo at isinandal ang ulo na parang nakatangila at ipinikit ang mata.
Narinig ko naman ang mga yapak nilang papalapit sa direksyon ko. Ramdam ko ang pagupo sa tabi ko ni Sakuragi. Di ko man siya nakikita pero amoy ko ang pabango niya. Dinig ko rin ang mahinang paguusap nila Troy at Paul. Dumilat ako at saka umayos ng upo. Nasa kaliwa ko si Sakuragi at gulat siyang nakatingin sa'kin.
"Anyare sa'yo?" takang tanong ko at saka kinuha ang isang basong tubig at ininom.
"W-Wala, kala ko kasi nakatulog ka na d'yan. Ililipat sana kita sa kwarto ko para—"
Naibuga ko ang tubig na nasabibig ko palang. Tumingin ako sa kaniya ng masama. "Para?! Para pagnasaan?!" inis kong tanong nagitla naman siya.
"U-Umm... pre do'n muna kami sa study room niyo." anas ni Troy at sumunod naman sa kaniya si Paul.
Binalik ko ang tingin ko skay Sakuragiat hindi parin siya sumasagot. Nakailang lunok pa siya bago magsalita.
"H-Hindi! Assuming ka!" napapatungong wika niya. "Akala ko nga kasi nakatulog ka, baka kasi hindi ka komportable d'yan kaya bubuhatin sana kita pero dumilat ka naman." paliwanag niya pa.
"Tss ba't may 'naman' pa? Hindi ba't 'ka' nalang 'yon at wala ng 'naman' ?" panghuhuli ko pa, napakamot naman siya sa ulo.
"Sige na! Tsh! G-Gusto ko lang namang p-panoodin kang matulog." aniya at ako naman ang nagitla. Biglang may kung anong mabilis na tumatakbo sa dibdib ko.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
Fiksi Umum"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...