Chapter 20

85 20 0
                                    

BRIX'S POV

Nang makaalis na sila Haruko ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin sa tuwa.Alam niyo ba yung feeling na sinagot ka ng crush mo?Ewan ko lang kung crush din kayo ng crush niyo,kase ako...mahal ata ako ng crush ko.Peace!

'Hindi nga pala uso crushback sa pilipinas..'

Sumama naman sina Paul at Troy sa bahay.Niyaya ko rin sila na doon na magtanghalian.Alam niyo na,a little bit celebration.Wala din naman silang ginagawa sa bahay nila kaya pumayag na din sila.

Bahay.

"Oh iho,bakit hindi ninyo kasama si Ericka?"takang tanong ni Manang ng makasalubong namin siya papuntang kusina.

"Eh Manang may nangyari po kasing hindi inaasahan.."pangaasar ni Paul.

"Ha!?Anong nangyari?"nagaalalang tanong ni Manang.

'Siraulo ka kasi,Paul!'

"Ang ibig niya pong sabihin,kailngan na po ni Haru----Ericka na umuwi.."paglilinaw ko.

'Muntik na ako don..'

"Huh?Anggulo mo iho?Akala ko ba'y may nangyaring masama?"naguguluhang tanong ni Manang.

"Kasi nga Manghsbsjdbdh-------"

"W-Wala po Manang,mali lang ho siguro ang rinig niyo hehehe.."Saad ko nang takpan ko ang bibig ni Paul.

"Osige,dito ba sila magtatangalian?"tanong oa ni Manang.

"Syempre naman Manang,miss na miss na namin ang mga luto mo.."paguuto ni Paul.

'Tsh,gag*ng 'to!'

"Haha ganun ba?Sige,halikayo't ipaghahanda ko na kayo ng makakain.."Saad ni Manang at sumunod kami sa kaniya.

Nang makaupo na kami ay naghanda na ng makakain si Manang.Agad namang nagsalin ng kanin si Paul.Hindi naman maiwasan ni Troy at Manang na matawa.

"Hoy,patay gutom ka.."suway ko kay Paul.

"Masamang pinaghihintay ang grasya pre,kaya kumain ka na lang diyan.."singhal niya at nagpatuloy sa pagsalin ng kanin at ulam.

'Parang isang taong hindi kumain,ni hindi nga siya nagtatakbo tulad namin ni Troy sa court.Ang ginawa niya lang ay magscore,yun lang tsh!'

"Troy iho,kailan ka pala nakauwi?"tanong ni Manang kay Troy.

"Nung isang linggo lang po.."ngiting tugon ni Troy.

"Hindi kita masyadong namukhaan,lalo kang gumwapo.."puri pa ni Manang.

"Paano naman ako Manang?"giit ni Paul at natawa naman si Manang.

"Syempre naman iho,gwapo ka rin..kaso nga lang ay mas nakakapanibago ang itsura ni Troy.."nakangiting saad ni Manang na ikinangiwi ni Paul.

'HAHAHAHAHAHAHAHAHA..'

"Pota----potato potato,ang sarap sarap ng potato.."pagkanta ko ng tinignan ako ng masama ni Paul.

'Tsh,buti nga sayo hehehehehe..'

"Sige maiwan ko na kayo at maglalaba pa ako.."usal ni Manang.

Million Hours (ON-GOING/REVISION)Where stories live. Discover now