BRIX'S POV
Kitang kita ko ang pagkagitla at kaba ni Haruko mula sa mata niya. Napalunok pa siya kaya hindi ko maiwasang mapatinging muli sa labi niyang mapula kahit na walang lipstick. Kahit tignan mo lang 'yon ay halatang napakalambot no'n. At ang pinakagusto ko sa lahat ay ang pagkatamis niyang humalik.
'I want to taste it. Again. But no! I need to control myself..'
Napalunok ako at itinaas ang tingin sa mata niya. Ilang segundo lang ay iniwas niya ang paningin sa'kin kaya naman ay napangiti ako na may halong kilig. Bahagya pa akong tumungo upang sumeryoso.
"Haruko," tawag ko sa kaniya.
"Oh?" tugon niya ngunit nakaiwas pa rin ang tingin sa'kin kaya napangisi ako.
"Who's your first kiss?" tanong ko at napapikit siya ng sabay sabay. Ilang saglit pa bago siya magsalita.
"B-Ba't mo natanong?" aniya naman.
"Wala lang, gusto ko lang malaman." ngiting tugon ko. Nanatili siyang nakabaling sa kung saan.
"Ericka!" biglang sulpot ni Lally kaya naman mabilis kaming umayos ni Haruko.
Nagulat pa ako ng makitang kasunod niya sina Troy at Paul. Napahawak ako sa ulo ko at pilit na nginitian si Lally.
'Wrong timing ka, Lally!'
"Oh?" tugon ni Haruko.
"Hindi mo sinabi sa'king invited pala yung kaibigan ne'tong jowabels mo!?" iritang wika ni Lally. Napatingin naman sa'kin si Haruko.
"Oh," usal ni Haruko.
"Mas mabuti kung si Troy na lang kesa sa isang bata d'yan!" pagpaparinig niya kay Paul.
"Naririnig ko lahat ng sinasabi mong kambing ka!" inis na singhal ni Paul, nilingon siya ni Lally.
"K-Kambing!?" sigaw ni Lally kaya naman parehas kami nila Troy at Haruko na napahawak sa tenga.
"Yes! A dying goat!" pagdidiin pa ni Paul. Nagsalubong naman ang kilay ni Lally at nag-cross arm, gano'n rin si Paul.
"Ha! Sa ganda kong 'to!? Kung magiging hayop man ako, ako na ata ang pinaka rare na species na kambing sa buong mundo! Tse!" saad ni Lally, napangisi naman si Paul.
"Maganda? Sa'n banda?" sarkastikong tanong ni Paul.
"Sa mukha. Bobo ka ba?" Ani naman ni Lally.
"W-What did you say!?" angil na lintaya ni Paul.
"Bobo na nga, bingi pa. Gusto mo rin ata maging bulag? Ay, bulag ka na nga pala," pang-aasar ni Lally.
"Bulag!?" inis na saad ni Paul.
"Oo, nabulag ka sa kagandahan ko." anas ni Lally.
'Burn! Hahahaha..'
"Tama na yan. Baka magkatuluyan pa kayong dalawa." wika ni Haruko. Parehas naman siyang nilingon ni Lally at Paul.
"Yuck! Kadiri! Ew!" sabay nilang pandidiri. Nagkatinginan pa sila.
"Bakit mo'ko ginagaya!?" tanong ni Paul.
"Ikaw kaya ang gumagaya sa'kin! Psh!" singhal ni Lally.
"You guys are so fun to watch haha." tawang usal ni Troy.
"Guys, it's time to eat na." singit ni Ate Lei.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
Fiksi Umum"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...