Chapter 25

64 10 1
                                    

ERICKA'S POV

Hinintay ko pang maglaho sa paningin ko ang sinasakyan ni Sakuragi. Hindi naman mawala sa isip ko ang sinabi niya.

"Katabi nga kita pero nasa iba naman ang puso mo.."

May halong lungkot at pait niyang sinaad iyon. Para bang ang unfair ko sa kaniya, ramdam na ramdam ko ang pagtatampo at selos sa mga binibitawan niyang salita. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Tama siya, oo mahal ko pa rin ang taong nanakit sa'kin ng sobra sobra. Nairito na ako ngayon sa kwarto at hindi malaman kung anong gagawin para maayos ang sitwasyon namin.

Humiga ako sa kama, tumitig sa kisame at nagisip isip. Ang bawat titig sa'kin ni Sakuragi ay wala pa ring talab, kahit pilit kong ituon ang atensyon ko sa kaniya, kahit pilit kong binubuksan ang puso kong may mahal pa ring iba. Tang*na, bakit ba kasi hindi kita makalimutan? Bakit hindi ko malimot ang masasayang alala ko sayo, Grey? Tss. Napahawak ako sa noo ko at pilit na pinapakalma ang sarili.

'Tama ba 'tong pinasok ko? Tama ba na magmahal ako ulit kahit mahal ko pa rin ang dati? Anak ng tinapa..'

Nang bumalik sa alaala ko ang iniakto ni Sakuragi kanina sa may gymnasium ay hindi ko maipaliwanag  na mayroong kaunting tuwa akong naramdaman sa paghiyaw niya. Napakasarap lang sa pakiramdam na kahit hindi ko siya tinatrato ng maayos minsan, lagi pa rin siyang nandiyan para suportahan ako.

Sa gitna ng pagmumuni muni ko'y biglang kumatok si Andrei. Kaya naman pinagbuksan ko siya.

"Oh bakit?" tanong ko ng mabuksan ko na ang pinto at tumingala naman siya ng bahagya sa'kin.

"Kakain na po ate, may naghahanap din po sa inyo sa baba.." usal ni Andrei habang kinakamot ang pisnge niya. Nagtaka naman ako sa kung sinong tinutukoy niya.

"Sinong naghahanap sa'kin?" tanong ko, lumaylay naman ang balikat niya at bumabaw ang tingin sa'kin.

"Bumaba na lang po tayo Ate, nagugutom na rin po ako at saka makikita mo rin naman po siya," aniya at napatango na lang ako.

'Siraulo'to ah..'

"Sige susunod ako, magbibihis lang ako.." sambit ko at tumango siya at nagsimulang maglakad paalis. Pagkasara ko naman ng pinto ay dumeretso na ako sa banyo para magshower saglit.

Nasa hagdan na ako ngayon at pinapakiramdman kung sino ba talaga ang naghahanap sa'kin lalo't gabi na. Sumilip muna ako sa sala at tama ako ng hinala....si Sakuragi nga. Nakita ko pang nagulat siya ng nasa tabi niya na ako. Nakatayo ako habang siya naman ay nakaupo sa sofa at gulat na nakatangila sa'kin. Taranta siyang tumayo at napaubo ubo.

"A-Ah g-good evening, Haruko.." utal utal niyang bati. Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot at saka ko ipinamulsa ang kamay ko sa bulsa ng itim jogging pants na suot ko ngayon.

"Akala ko ba tatawag ka?" tanong ko at nagsimula akong tumalikod sa kaniya at papuntang kusina. "Sunod.." usal ko, rinig ko naman ang yapak niya.

Sa kanto ng kusina ay nakita kong nagkukumpulan sila Papa, Kuya Kim at Andrei sa gilid. Nang matanaw nila ako ay pare-parehas silang kumaripas ng takbo papunta sa mismong dinning table.

'Mga chismoso amp..'

Napabuntong hininga na lamang ako at nagderederetso sa paglalakad. Saktong pagupo ko ay ang pagbati naman nila kay Sakuragi.

"Goodevening iho.." bati ni Papa habang nakangiti.

"G-Goodevening din po.." tuging bati ni Sakuragi. Napatingin ako sa kaniya at nalilitong nilingon niya naman ako. Ibinaba ko ang tingin ko sa upuan at muling itinaas ang tingin sa kaniya.

Million Hours (ON-GOING/REVISION)Where stories live. Discover now