BRIX POV
Nang maibaba ko ang linya ay hindi ko maiwasang magisip kung anong reaksyon ngayon ni Haruko.
'Kinilig naman kaya 'yon? Tsh, 'yun pa! Ni wala nga'ng pake 'yon sa mga sinasabi ko! Pinaglihi ata siya sa ampalaya't walang kasweetan sa katawan!'
Pero syempre kinilig 'yon, ikaw ba naman ang sabihan ng I love you ng ganitong kagwapo, kabait at mala Daniel Padilla ang datingan, hindi ka kikiligin? Tsh. Bulag na lang ang hindi makakakita ng kagwapuhan kong 'to hahaha.
"Hoy pre, nababaliw ka na ba? Putcha ka." tawag sa'kin ni Paul na nagbalik sa'kin sa reyalidad.
Binalingan ko siya. "'Wag mo akong badtripin Leonie at maganda ang mood ko ngayon." usal ko.
Nasa study room kami ngayon at oo rinig nilang dalawa ang mga pinagsasabi ko kay Haruko. Lalo na 'tong si Leonie, daig pa ne'to chismosa sa squatter. Nakaupo kaming tatlo sa may study table dito. Naalala ko tuloy yung pamumula ng pisnge ni Haruko kanina. Kunwari pang hindi kinikilig tsh!
Pero aaminin kong lalo akong nahuhulog sa kaniya, lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. And I'm a little bit scared, why? Takot ako kasi hindi ko alam kung anong nararamdaman niya dahil ayaw niyang iparamdam sa'kin. Ayaw niyang iparamdam yung mga emosyon niya. H-Hindi ko rin siya maintindihan minsan, dahil rin siguro masyado akong umaasa. Umaasang tulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya.
'A-Ayos lang na masaktan ako, basta kami pa'ring dalawa kahit... kahit hindi ako ang gusto niya..'
"Bakit tumamlay ka, pre?" Troy asked. I sighed.
"Nago-overthink kasi ako. M-May napapansin ba kayo kay Haruko?" taas tinging tanong ko. Nakunot naman ang noo nilang dalawa. Nagkatinginan pa sila.
"What do you mean?" takang tanong ni Troy.
"Kung paano niya ako tratuhin, like, may napapansin ba kayong kakaiba sa trato niya sa'kin?" paglilinaw ko. Napahawak naman silang dalawa sa baba nila.
"Hmm... Nothing, but she doesn't the girl who's deeply in love with you, I mean, don't get me wrong pre but, I feel like she's just going with the flow. You know what I'm saying?" mahabang pagsasaad ni Troy, napatango naman ako.
'Going with the flow? What the heck is that means?! Nevermind!'
"How about you, pre?" baling ko kay Paul. Nanliit naman ang mata niya habang kunwaring sinasalat ang imaginary hair sa baba niya.
"Sa tingin ko... Wala naman pero!" aniya at sabay itinaas ng bahagya ang hintuturo. ".. hindi siya gano'n ka expressive sa nararamdaman o emosyon man lang niya. Opinion at napansin ko lang 'to ha. Isa pa, kung iniisip mong wala kang pagasa sa kaniya, well nagkakamali ka pre." makahulugang lintaya ni Paul na nagbigay sa'kin ng pagasa.
'M-May pagasa ako kay Haruko?'
"Pa'no mo nasabe?" takang tanong ko kay Paul, ngumisi naman siya.
"Psh pre, sa tingin mo ba papayag si Haruko na maging kayo?" ngising Saad niya.
"Tsh! Parang sinabi mo namang hindi ako kapayag payag na maging jowa niya. Ginagago mo ata ako e." iritang anas ko.
"Tangina kasi patapusin mo muna ako, seryoso mode ako ngayon pre." singhal naman niya. Natawa naman si Troy.
"Tsh." angil ko.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
General Fiction"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...