ERICKA'S POV
Nagising ako sa lakas ng buhos ng ulan. Wala na akong nagawa kundi tumayo at naligo. Umupo ako sa study table ko at binuksan ko ang laptop ko habang nagpapatuyo ng buhok. Naka t-shirt na puti ako at naka track pants. Nang biglang nagvibrate ang phone ko, agad kong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext.
One message received from Unknown
Be careful, sweetie. I know what you're doing. You still didn't know me, huh? You're so stupid. I... Will... Burry... All... Of... You... ALIVE.
Napayukom ang kamao ko sa nabasa kong 'yon. Paulit ulit kong iniisip kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. At kung magkagtaon mang malaman ko 'yon, hindi lang masasakit na salita ang matatanggap nila. Kundi isang damukal na balang tatagos sa katawan niya, nila, hanggang sa maanod sila sa sariling dugo nila.
'Kahit gaano pa kayo karami, hindi kayo makakaligtas sa tamis ng galit ko kapag may nasaktan niisa sa mga taong malapit sa'kin..'
"Hindi ko pe'deng sabihin 'to sa kanila," nanlulumong saad ko. "Walang dapat makaalam kahit sino." anas ko pa.
Malalim akong bumuntong hininga. Pinakalma ang sarili at nagfocus. Bumaling akong muli sa laptop ng biglang may nagnotif na birthday reminder sa Facebook. Binuksan ko 'yon at hindi ko inaasahang birthday niya ngayon.
'Athenia Valencia..'
"B-Birthday ni Mama," malungkot at may halong gulat kong usal.
Hindi na niya ginagamit 'tong Facebook account niya simula no'ng umalis kami sa Palawan kaya wala ring kwenta ang pagiging friend namin dahil hindi ko naman siya makamusta. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli kong babalikan ang timeline niya at aasang baka may bago siyang post o kahit ano man na pe'deng maging daan ko para makausap siya. Pero tulad ng dati...
"Wala. Wala talaga." malungkot kong saad habang nagi-scroll.
Napahinto ako ng makita ko ang mukha niya. Nakangiti siya sa'kin. Oo nakangiti si Mama s-sa'kin. Hindi ko maiwasang maluha ng hawakan ko ang mukha niya mula sa screen ng laptop. Nakangiti akong lumuluha at hinihimas ang litrato niya.
"Miss na kita, M-Ma," garagal kong wika. "Miss na miss na kita, Ma." napapahagulgol kong usal. Mabilis ko namang pinunasan ang mga luha sa pisnge ko at pinatahan ang sarili.
Umayos ako ng upo at huminga ng malalim para pakalmahin ang lungkot na matagal kong pinipigilang ilabas.
"Ayokong maging mahina. Kakayanin kong maging matatag. Kakayanin ko-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sunod sunod na tumulong muli ang mga luha ko. Tumungo ako at tahimik na humihikbi. "P-Pagod n-na a-ako, M-Ma," umiiyak kong saad. "P-Pagod na akong masaktan, makulong sa putanginang kalungkutan!" mahinang sigaw ko at patuloy sa pag-iyak.
Naghahalo ang emosyon ko kung kaya't pilit kong pinipigilang umiyak. Kinusot ko ang mata ko at pinunasan ang ang luhang kumalat sa pisnge ko. Hinawi ko ang buhok ko at itinaas na ang tingin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa litrato ni Mama.
"Ma," maayos na tinig ko ng saad at saka suminghot. "H-Hindi na ako galit sa'yo, a-alam kong may pagkukulang ka sa'min pero kahit anong gawin ko," naluluhang lintaya ko. "Kailangan kita, Ma," muling bumuhos ang luha sa mata ko. "Kailangan ka namin. S-Sana h-hindi na lang ako nagpadala sa emosyon ko noon, s-sana p-pinatawad na l-lang kita, sana... Sana nagusap tayo ng maayos, e-edi s-sana magkasama tayong lahat ngayon." ipit hikbi kong sambit.
Wala akong nagawa kundi umiyak at ilabas ang lungkot na namumuo sa dibdib ko. Nang biglang may kumatok kaya't mabilis akong nagpunas ng luha at umakto ng normal na parang walang nangyari. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Kuya na nanliliit ang tingin sa'kin kaya bahagya akong tumungo.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
General Fiction"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...