Chapter 3

175 69 7
                                    

ERICKA'S POV

Matapos ng announcement slash meeting kuno, ay pinabalik na kami sa room. Dumaan muna kami saglit ni Lally sa Canteen.

Nagutom daw siya sa mga pinagsasabi ng mga stockholders. Maging ako man ay nakaramdam ng uhaw kahit naka-on ang air conditioner sa gym.

Hallway.

"Sa Comlab daw tayo ngayon.." ani Lally habang binubuksan yung chips na binili niya.

"Bakit daw?" tanong ki sabay tungga ng isang bottled water.

"Ewan, kasabay din daw natin yung mga college.." dagdag pa niya.

'Bakit?'

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Hindi ko alam, yun lang ang sinabi sakin kanina ni Gio eh.." Sabi niya sabay subo ng chips.

Nang makarating kami sa room ay eksakto ring pagpasok ng Lec namin.

'The very strict and terror Lecturer in Shewae International University...please welcome, Mr.Hermiz Hizzon..'

Tulad ng dati, pabagsak niyang inilapag ang gamit niya sa table at nakataas ang isang kilay niya. May kaputian siyang kutis munit medyo kulubot ang balat. May matatalim na tingin at walang sawang pagkasalubong ng kilay.

"Goodmorning!" masungit na bati niya.

"Good morning, Sir.." bati nila.

Bago siya magsalita ay isinuot niya ang kaniyang salamin, kinuha niya rin ang librong ginagamit niya sa klase namin...at syempre hindi mawawala ang stick niya.

"Our topic is all about philosophers...siguro naman alam niyo ang ibig sabihin ng philosopher!?" ani Hipon at matalas na tumingin samin.

"Yessss sirrrr.."sagot nila.

"Kala po ba namin sa Comlab tayo ngayon?" biglang tanong ni Peterson.

"Bukas na, dahil nga ay naubos ang time natin dun sa may announcement.." tugon ni Sir."Balik tayo..what is philosopher?" tanong pa ni Hipon.

'The game is now begin!'

Naglakad lakad siya at naghanap ng sasagot. Huminto siya sa tapat ni Lally at animong natatakot na aso ang itsura niya.

"Ms.Rivera, stand up!" sigaw ni Hipon.

Dali namang tumayo si Lally at pinagpapawisan na.

"What is philosopher?" paguulit ni Hipon este Sir Hizzon.

"Hindi ko po alam Sir.." kinakabahang sagot ni Lally.

"Yan! Kung ano ano kasi ang mga inaatupag niyo! Hindi kayo magbasa ng magbasa para man lang eh may maisagot kayo!" sermon ni Hipon.

"H-Hindi ko naman po kasi alam na magbabago agad yung t-topic.." nakatungong saad ni Lally.

"Aba'y sinabi ko na sa inyo na magbasa kayo dahil mabilis maiiba ang topic! Sinabi ko yun noong unang araw palang ng pasukan!" galit na talagang sigaw niya.

Itinaas ko naman ang kamay ko. Nakuha ko naman agad ang atensyon niya.

"Yes,Ms.Valencia!" sigaw paring aniya.

Million Hours (ON-GOING/REVISION)Where stories live. Discover now