BRIX'S POV
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Patuloy ako sa pagiisip kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Haruko. Maglalaban? Kaming dalawa? Nagulat rin ako ng makita ko ang sarili nilang gym. It's wide and not that hot, sakto lang ang init at lamig dito sa loob.
Napunta naman ang atensyon ko sa may ring, as in yung pang boxing. Nakita kong pumasok do'n si Haruko, tinali niya ang buhok niya at saka sinuot ang gloves na iniabot ni Kim. Malapit lapit rin ako sa kanila kaya hinagis sa'kin ni Kim ang isa pang gloves. Taka naman akong bumaling kay Tito na nakaupo sa couch at may hawak ng isang boteng alak.
"Ano? Tatayo ka na lang d'yan?" dinig kong tanong ni Haruko, nilingon ko siya at para ba siyang nagi-strecthing.
'Damn, hindi ako pumapatol sa babae di bale na lang kung may saltik tsh..'
"A-Anong gagawin ko sa gloves na'to?" tanong ko at malumanay niya akong tinignan.
"Seryoso ka ba? Isuot mo, anak ng kambing oo." napapailing niyang tugon. Mabilis ko namang sinuot yon.
At saka ako umakyat at pumasok sa ring. Kalmado lang siyang nakatingin sa'kin habang ako di alam kung anong gagawin. Hindi naman kasi ako natutong magboxing, but I learn how to punch okay. I'm not an idiot.
"Okay, kung sino ang unang sumuko ay siyang talo. Don't be too serious guys, it's just a fun fight okay? Now, start!" Ani pa ni Kim bago kami magsimula ni Haruko.
Nagsimula naman kaming magikutan ni Haruko. Seryoso at malumanay siyang nakatingin sa'kin habang ako ay hindi malaman kung anong gagawin. Nang bigla siyang sumugod at nagpaulan ng mga mabibilis na suntok. And I didn't expect that she's so fast like a real boxer, kaya ko namang iwasan but hindi ko maiwasang mamangha.
"Sumugod ka, 'wag puro ilag." She said while her eyes are attacking my soul.
Sumugod naman ako tulad ng sinabi niya at lalo akong namangha ng iwasan niya lang ang mga suntok kong 'yon. She kept avoiding my punches like a pro, sa isang suntok ko gamit ang kanang kamay ay naiwasan niya yon at dumaan sa ilalim ng braso ko. Agad niya akong sinuntok sa t'yan ng magkaroon siya ng tyansa at talagang may kasakitan 'yon.
Hinawakan ko ang tyan ko sa sakit. "A-Ah ang sakit, damn it!" pabulong kong inda at patuloy sa paghimas sa tyan.
"Tss masakit ba, Sakuragi?" nangaasar na tanong ni Haruko kaya naman umayos ako ng tayo at umakto ng normal.
"Ang a-alin? Yung suntok mo? Tsh, ni hindi ko nga naramdaman e." pagsisinungaling ko at bahagyang tinago ang mukha ng iinda ko ang sakit.
'Masakit talaga 'yon tsh! Buti babae ka Haruko kundi, papatulan talaga kita! Nakakainis!'
"Are you okay, Brix? Shall we continue?" tanong sa'kin ni Kim, siya kasi yung referee.
"O-Oo." pilit ngiting tugon ko.
Nang magsimula ulit kami ni Haruko ay mas lalo siyang naging seryoso, pero hindi na siya sugod ng sugod tulad ng kanina. Para bang ng masuntok niya ako sa t'yan kanina ay magalala siya, sa tingin ko lang naman. Ako naman ang sumugod ng sumugod, siya naman ay iwas lang ng iwas. Hanggang sa magkaroon ako ng tyansang masuntok siya sa mukha pero hindi ko mismo sinuntok ang mukha niya.
Pinigilan ko at parang isang daliri na lang ata at masusuntok ko na siya. Nahinto siya. Dahan dahan kong ibinaba ang kamay kong nakaharang sa mukha niya at kita ko ang pagkagitla niya. Muli kaming nagkatinginan, then she started to get off her gloves.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
General Fiction"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...