ERICKA'S POV
'Saan naman ako dadalhin ne'to?'
Patuloy niya akong hinihila papunta kung saan. Hindi man kahigpitan ang pagkahawak niya sa braso ko ay ramdam kong nagtitimpi lang siya. Hanggang sa marating namin ang garden. Sa silong ng puno naman kami pumwesto, nakatingin siya sa'kin ng deretso. Bahagyang magkasalubong ang kilay at nakakunot ang noo.
Wala akong nakikita ro'n kundi pagaalala at inis. Iniwas niya ang tingin sa'kin at para bang pinapakalma ang sarili. Humawak pa siya sa sintido niya at muling bumaling sakin.
"Napaka-selfless mo, Haruko." inis niyang sambit, napakunot naman ang noo ko. "Nakikita mo ba ang sitwasyon mo do'n?! Haruko muntikan ka ng mapuruhan!" inis na sigaw niya kaya nagitla ako.
"Alam ko ang ginagawa ko, Sakuragi." mahinahong usal ko at tumaas naman ang gilid ng labi niya.
"Pero ikakapahamak mo 'yon! Naiintindihan mo ba ako, Haruko?!" malakas na saad niya, napatungo naman ako. "Alalahanin mo rin ang sarili mo. Haruko." pakalma niyang sambit. Tinaas ko ang aking tingin.
"Kaya ko nga ang sarili ko." lintaya ko at napatalikod siya sa'kin.
"Tang*na! T'wing sasabihin mo 'yan may nangyayaring masama sayo." galit ang tinig niyang saad at sakauli akong hinarap.
"Sermuman mo na ako't lahat 'wag mo lang akong murahin." usal ko at natahimik naman siya. Tumingala ako sa asul na langit. "Alam kong nagaalala kayo. Hindi ako umaatras sa laban hangga't may dinadamay silang iba." dagdag ko pa.
"Pero ayokong masaktan ka, Haruko. Ayokong may mangyaring masama sayo, kaya please iwasan mo ng makipagaway." nakikiusap na giit ni Sakuragi. Nilingon ko siya.
"Hindi ko sila kayang iwasan dahil sila mismo ang lumalapit sa'kin." anas ko.
"Dahil nga pinapatulan mo sila! Hindi naman siguro sila makikipagaway sayo kung hindi mo sila pinatulan." Saad ni Sakuragi, napangisi ako at di makapaniwala.
"Hindi ako siraulo, hindi rin ako pumatol sa mga katulad nilang walang utak." tugon ko.
"Anong dahilan naman kung bakit ka nila inaaway? Iisa lang naman siguro ang dahilan hindi ba, Haruko?" wika niya at para bang sinasabi niyang ako pa ang may kasalanan.
"Tss edi sila ang tanungin mo, tutal hindi ka naman naniniwala sa sinasabi ko." walang ganang sambit ko at saka tumalikod. Aakmang aalis ay pinigilan niya ang braso ko.
"Sabihin mo kasi ang totoo. Maniniwala naman ako sayo kung magsasabi ka ng totoo." dinig kong usal niya at napapangisi akong nilingon siya.
"Tuleg ka ba? Mukha ba akong nagsisinungaling? Kung sa gantong bagay palang hindi mo na ako pinapaniwalaan, mabuting tapusin na natin ang meron sa'tin." wika ko na ikinagulat niya, muli akong humakbang munit mas diniin niya ang pagpigil niya sa braso ko.
"Please, just tell me the truth and I will believe in you. Just tell me." Sambit niya at nanatili akong nakatalikod sa kaniya.
"I'm not lying, you just don't understand what is going on." Ani ko. Napayakap naman siya sa'kin at talagang ikinagulat ako.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
Fiction générale"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...