BRIX'S POV
Pagkauwi ko sa bahay ay nasalubong ko kaagad si Grey.My EX-best friend.Simula pagkabata kaibigan ko na siya,he's one of the best things happen to me,cause he always kind to me like he is my brother.
But he's one of the worst happen to me,dahil nagkagusto siya sa taong gusto ko rin.Mas nauna kong na gustuhan ang babaeng yon.Magkaklase kasi kami ni Grey simula nung elementary hanggang highschool.
Pero nung malaman kong nililigawan na niya ang babaeng gusto ko,para ba akong pinagsakluban ng langit at lupa.Sikat siya sa school namin noon kaya hindi malabong malaman ko yon.
Nang malaman ko ring sinagot na siya ay napagpasiyahan kong lumayo na sa kaniya..sa kanilang dalawa.Mapagbigay akong tao,pero hindi sa lahat ng oras matibay ako.
Umupo ako sa couch at inirelax ang sarili ko.Narinig ko naman ang kalampag ng sapatos ni Grey kaya napadilat ako.Umupo rin siya sa isang couch at binuksan ang T.V.
Nagtataka siguro kayo kung bakit magkasama kami sa iisang bahay hano?Dahil girlfriend lang naman niya ang kapatid ko.
"Hi Kuya!How's your day?"bati sakin ni Jeanne ng makababa siya ng hagdan.
"It's very fine,how about your studies?"ako.
"It's fine too.."tugon niya.
Lumapit siya kay Grey at yumakap sa braso nito.Napaiwas naman ako dahil sa inis.Tumayo ako at pumanik sa kwarto.
Matapos magshower at magbihis ay naalala ko si Ericka.Hindi naman siya nagreply sakin nung nakaraan at hindi rin niya sinagot ang tawag ko kanina.
Try ko kaya ulit tawagan?Baka sagutin na.Dinial ko ulit ang number niya.Hanggang sa....
"H-Hello?"ani ko.
"Oh?"si Ericka
"Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko?"kunwaring galit na saad ko.
"Kasasagot ko lang ah?Di ka na-inform?"sarkastikong usal niya.
'Mukhang hard to get tong babaeng to ah..'
"Ang ibig kong sabihin,yung tawag ko kanina.."inis kunwaring saad ko ulit.
"Busy kasi ako *ubo*ubo*excuse me..busy ako kanina.."Saad niya at may paubo pa.
"May sakit ka ba?"
"Wala,nasamid lang ako..*sniff* *sniff*tsaka nasipon lang ako.."
"Weh?"
"Sige matutulog na ako.."
"Sige-----"
"Ericka,uminom ka na ba ng gamot?Baka hindi na bumaba yang lagnat mo kapag hindi kapa uminom.."dinig kong saad ng isang lalaki.
"Sino yon?"tanong ko.
"Wala,sige bye.."
"Sige pagaling ka by--"
~~~Toot~~Toot~~Toot~~~
Binabaan ako!
Natulog na lang din ako dahil nakakain narin ako bago umuwi.
YOU ARE READING
Million Hours (ON-GOING/REVISION)
General Fiction"How can I fall inlove? If my heart doesn't want to beat again. How can I release myself in the sadness and pain?If there is no way to get out." Yan ang mga katanungan sa isip ni Ericka Athena Valencia. Pero dadating kaya sa punto na baka sakaling...