"Peng! Sama ka? Tatambay kami kay Rizal. At doon ko na rin gagawin ang report ko," tanong sa akin ng kaklase kong si Sabel pagkatapos ng Christmas Party namin.
"Oo nga, Park! Sama ka na, since bakasyon na naman, kaya pwede na tayong magpuyat," segunda naman agad ni Tina.
Mga kaibigan ko sila at kaklase. First year college students kami under Business Administration Course. Nag-aaral kami sa isang unibersidad na nasa kahabaan ng lrt. Hulaan niyo? Siyempre hindi La-Salle iyon, hehe. Pero bilang clue, malapit siya sa Rizal Park kaya doon din kami madalas tumambay kapag maaga pa o kaya ay kung may free cut.
"Sige, sama ako. Pero hiram na rin muna tayo ng libro sa library, ah. Wala akong budget para sa internet shop kaya makiki-computer lang ako kina Insan ng project natin sa History," sagot ko na sa kanila agad at nauna nang maglakad dahil sigurado akong wala silang balak gawin iyon dahil may mga internet naman kasi sila sa bahay. Hmm, spell mahirap at kasama ang pangalan ko doon. Simpleng phone lang din kasi ang mayroon ako. Iyong simpleng pang-tawag at pang-text lang kay Mamang na nasa probinsiya.
Nakikitira lang ako kina Insan habang nag-aaral ako dahil nakapasa ako ng residential scholarship sa unibersidad na pinapasukan ko ngayon. At dahil sa pamamasada lang ni Papang kami kumukuha ng panggastos, tapos ay may tatlong kapatid pa akong nag-aaral sa elementarya kaya super tipid ang ganap ko ngayon dito. Nakakahiya rin kasing manghingi palagi kina Mamang kahit na sabihing regular naman ang padala nila. Naisipan ko nga rin na mag-apply na muna na service crew sa Jollibee tutal naman ay bakasyon pa at sisimulan ko iyon bukas.
"Aaww, I hate library!"
"Me too," maarteng sagot nila sa akin."Okay.,Eh di hindi ko na kayo masasamahan. Mauna na muna ako sa inyo sa library ha,"paalam ko na lang sa kanila.
"Hays, hihintayin ka na lang namin sa labas, Park. Hanggang thirty minutes ka lang doon, ah. Dahil tapos o hindi tapos ay lalabas ka na at dito ka na lang sa phone ko mag-research," sabi sa akin ni Tina.
"Okay, medyo mahirap kasi ang research ko. Tungkol sa Joseon Era. Kaso, wala naman akong alam sa Korea. Hays. Kaya kapag natagalan ako ay mauna na lang kayo. Promise, susunod ako."
"Sus, kunwari ka pa. Yakang-yaka mo iyan. Ikaw pa. Kaya nga sa iyo in-assign ni Ma'am iyan dahil Park ang apelyido mo," natatawang sagot naman ni Sabel na inirapan ko lang.
"Tsk, sinasabi ko na nga ba at pinag-tripan na naman ni Ma'am ang apelyido ko. Hindi nga kasi ako koreana." asar na sagot ko sa kanila.
"Huwag kami Park, iba na lang, hahaha," sagot lang ng dalawa na ikinasimangot ko na lang.
"Wala nga akong lahing koreana. Teka, si Rizal halimbawa, naniniwala ba kayong koreano siya?" tanong ko sa kanila.
"Hindi siya koreano. Ano ka ba, Peng? Ang alam ko ay may lahi siyang Spanish. Pinag-aralan natin iyan sa high-school ah," sagot ni Sabel na tinaasan pa ako ng kilay.
"O, kitams. Kung hindi siya koreano, bakit may Rizal Park?"
Napatanga sila sa tanong ko. Pero pustahan, nag-isip muna sila ng mga two seconds bago ako binulyawan.
"Penelope!"
"Hay nako, Park!""Hehehe, o ba't 'di na kayo nakasagot? Na-amaze na naman kayo!"
"Letse! Ang korni mo!" si Tina.
"Huwag mo kaming umpisahan, Peng! Gawin mo na iyong gagawin mo sa loob!" asar na sabi naman ni Sabel.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...