Hindi natuloy ang pagkikita namin ni Rizal kinabukasan dahil nagkaroon ng bagong pasya ang palasyo tungkol sa i-aanunsiyo sana ni Rizal na kasal sa pagitan namin. Hindi ko na rin iyon masyadong pinagtuunan ng pansin dahil na-busy ako sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa gustong ipagawa sa akin ni Lady Soo Ah.
Kasalukuyan akong nagsasaliksik sa kabuuan ng silid ni Soo Ah nang humahangos na pumasok si Min Young.
"Lady Soo Ah, may bagong balita galing sa palasyo!" natatarantang sabi nito.
"Hey, kalma lang okay. Ano ba iyon?"
"Magkakaroon ulit ng panibagong pagpili para sa hihiranging asawa ng Mahal na Prinsipe. At mangyayari iyon isang linggo mula ngayon. At ito pa, sa ikatlong araw ay ililipat na sa mahal na Prinsipe Ryong Zae ang buong pamumuno ng Joseon!"
"Ibig sabihin, si Rizal este ang Kamahalan na ang bagong Hari ng Joseon?"
"Tama po, Lady Soo Ah. Ganap na Hari na ang Kamahalan sa oras ng pagpili ng hihiranging Reyna. Nasasabik na po akong makita kayo na makoronohan bilang asawa ng Kamahalan at bagong Reyna ng Joseon," tila nangangarap pang sabi nito.
"Teka, hindi pa naman tayo sigurado kung ako ang pipiliin ng mga Opisyal ng palasyo. Magkakaroon ulit ng botohan sa pagpili at sigurado akong hindi na gagawa ng kakaiba ang aking Ama dahil tinanggal ang pangalan niya sa listahan ng mga bobotong opisyal," seryosong turan ko rito. Kahapon ko lang din nalaman ang naging pasya ng palasyo at galit na galit si father tungkol dito kaya sinabi niyang kailangan kong gumawa ng kahit anong paraan para ako ang mapili. Kaya as usual ay na-stress na naman ako kay father kagabi.
"Kung gano'n Lady Soo Ah ay malabo pa pala ang iniisip ko? Kahit na ikaw ang gusto ng Kamahalan?"
"Ano namang ibig mong sabihin diyan, Min Young?"
"Halata naman kasi na may gusto sa iyo ang Kamahalan. Kahit hindi siya nagpapakita sa iyo ng personal nitong mga nakaraang araw ay hindi pumapalya ang pagpapadala niya ng mga regalo sa inyo araw-araw," kinikilig na sagot nito. Pinamulahan naman ako ng pisngi sa mga sinabi niya. Syempre, kinikilig ako sa mga ginagawa niyang pagbibigay ng regalo. Pero ang isang bahagi ng utak ko ay sinasabing ayoko munang lubos na magtiwala sa kanya. Paano kung isang palabas niya lang ang lahat? At sa bandang huli ay ako lang ang mata-trap sa patibong niya.
May natuklasan kasi ako sa isa sa mga gamit ni Lady Soo Ah. Isa iyong maliit na aklat at nakaipit doon ang isang liham na galing kay Ginoong Lee Bo Ram. Sinabi doon ni Bo Ram na ang Kamahalan ang may kagagawan ng pagtatangka sa buhay nito. Pero sa unang notes ni Soo Ah ay ang ama niya ang sinasabi niyang may gustong magpapatay sa ex niyang si Bo Ram?
At dahil diyan ay lalo na akong nalito sa kung sino talaga ang kaaway at ang kakampi ko. Hays ang gulo. Pero sa tingin ko ay mas kailangan ko munang malaman kung bakit biglang nawala si Soo Ah. Nagkapalit lang ba talaga kami ng panahon? O nandito lang siya at kailangan niya ng tulong?
Naputol ang pag-uusap namin ni Min Young nang may kumatok sa pinto.
"Lady Soo Ah, may bisita po kayo. Naghihintay po siya sa labas," magalang na sabi ng isa sa mga tagapaglingkod namin.
"Sige, lalabas na ako." Tinanguan ko lang si Min Young at nauna nang lumabas dito.
Kaya nagulat pa ako nang paglabas ko ay nakita ko si Ginoong Bo Ram na nakangiti habang nakatingin sa akin. Ngayon ko lang napagmasdang maigi ang hitsura niya. Gwapo rin siya lalo na kapag ngumingiti dahil sa lumalabas na biloy sa magkabila niyang pisngi. Putragis na iyan. Siya ba talaga ang ex ni Lady Soo Ah? Bakit kasi siya nakipag-break agad dito? Sayang, ang pogi pa naman. Pero dahil pa-demure ang ganap ni Lady Soo Ah sa totoong buhay ay kailangan kong magpakatatag.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...