Sabay kaming dumating ni Roswell sa birthday party ni Cristina Soliven o ni Tina. Kay Roswell ko nalaman na family friend nila ang mga Soliven at ang Hudgens family na angkan naman ni Sabel.
At dahil sa medyo late na kaming dumating sa event kaya ang siste ay nagmukha tuloy grand entrance ang eksena namin ni Roswell. Naging tampulan tuloy ako ng tukso nila Sabel at Tina pagpunta ko sa table nila. Paano ba naman, talagang binakuran na yata ako ni Roswell. Kuntodo hawak pa siya sa kamay ko nang dumating kami. Kaya hindi lang sila Sabel ang nawindang sa eksena namin kundi pati na rin yata ang ibang mga board of directors na naroon. Doon ko lang din nalaman na mga Directors din pala ng PSC ang mga Daddy nila Sabel at Tina. Sa ibang branch nga lang sila ng Park-Smith Corporation naka-assign.
"Hoy ghorl! Ano iyang eksenang iyan? Ipaliwanag mo sa min nang maayos ah!" palatak na sabi agad ni Tina pagkaupo ko pa lang sa pwesto nila.
Kung hindi pa nga ako pinayagan ni Roswell ay malamang na roon ako napa-pwesto sa table nila katabi ng mga Directors ng PSC.
"Sira, huwag kang maingay. Magkwe-kwento ako sa inyo pero hindi ngayon. Kinabog ko na nga iyong grand entrance mo, pati ba naman iyong buong ganap. Enjoy your day, Tina! Happy Birthday!" natatawang sabi ko na lang dito na ikinatirik lang ng mata nito. Inabot ko na rin sa kanya iyong gift ko na si Roswell pa iyong nagbalot kanina.
"O siya, siya! Salamat at kahit late ka na sa eighteenth candle ko ay nakarating ka pa rin," asar na sabi nito.
"Waahh! Sorry talaga Tina, babawi ako sa iyo next time," paghingi ko ng sorry rito.
"Tse! Kwento ang katapat ng sorry mo. Sige na mga bruha, doon muna ako sa kabilang table," paalam ni Tina bago ito muling nakipag-beso beso sa amin ni Sabel.
"Girl, biglaan iyong hanash niyo kanina ni Sir Roswell, no?" mahinang bulong sa akin ni Sabel pagkaalis ni Tina.
"Ha? Ah, yeah sa totoo lang ay ngayon lang kami nagkaroon ng confirmation tungkol doon."
"Hmm, Ingat ka, girl. Tingin ka sa kabilang table pero simplehan mo lang ha. Kilala mo na siguro si Ms. Jenny Simons 'di ba? Kanina pa masama ang tingin niya sa inyo lalo na sa iyo simula nang dumating kayong magkasama ni Mr. Park kanina," sabi nito.
Hindi na ako lumingon sa sinasabi ni Sabel na table. Nginitian ko na lang siya sa sinabi niya.
"Sabel, alam mong ayoko ng mga eksena ng third party. Kilala niyo ako ni Tina. Hindi ko naman gagawin 'to kung alam kong sila pa ni Roswell. Pero si Roswell na mismo ang nagsabi sa akin na matagal na silang wala ni Ms. Jenny,"
"Sa totoo lang ay kahit kami ni Tina ay nawindang sa pasabog mo. Masaya ako para sa iyo girl, swear. Kaya lang, pa'no kung okay sa inyo ni Mr. Park pero hindi okay kay Ms. Jenny?"
"What do you mean?" kinakabahang tanong ko rito.
"Nung na-late ka kanina sa eighteenth candle ni Tina, si Ms. Jenny iyong nag-sub sa iyo. Tapos pinakilala siya ng host bilang fiancee ng Big Boss ng PSC. Plus pa iyong mga sinabi niya during greeting, Peng. Pagkatapos niyang batiin si Tina ay pumunta si Mrs. Park sa harapan at personal siyang binati sa engagement nila ng anak niya," mahinang sabi nito na ikinagulat ko nang husto.
Pakiramdam ko ay nanigas ang buo kong katawan sa mga narinig kay Sabel. Hanggang sa kusa na lang napatingin ang mga mata ko sa table na sinabi niya kanina.
Natanaw ko agad si Ms. Jenny katabi ang isang babaeng tingin ko ay ang ina ni Roswell base sa postura nito. Parehas silang nakatingin sa akin na puno nang pang-uusig. Kahit ang mga ibang bisitang nakaupo sa table na iyon ay nakatingin ding lahat sa akin. Napayuko na lang tuloy ako at hindi na sila sinulyapan pa.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...