At dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang singsing na nasa daliri ko ay inalis ko muna ito at ikwinintas na lang sa leeg ko. Hindi naman siguro ito masyadong mapapansin nila Sabel dahil sa medyo close ang blouse na suot namin. Mas mahahalata kasi nila kung nasa kamay ko ito at putragis talaga, dahil hindi ko alam ang isasagot ko kapag tinanong nila ako kung saan ko ito nakuha.
Hindi ko na rin pala binalik kay Ma'am Bravo iyong aklat. Sinabi ko na lang na nawala ito kaya medyo nagulat pa ako nang sinabi niyang okay lang iyon at hindi na niya in-insist na bayaran ko iyon.
Nagpatuloy ang normal na araw ng klase namin pagbalik namin galing ng Christmas Vacation hanggang sa tuluyang matapos ang taon at bigayan na ng grades. At nangyari na nga ang pinangangambahan ko.
"Guys, mukhang hindi na muna ako papasok sa susunod na pasukan," malungkot na sabi ko sa kanila.
"Hala, bakit naman, Peng?"
"Hindi umabot sa Dos ang grades ko. Ligwak ako sa scholarship, huhuhu," naiiyak na sabi ko kina Sabel at Tina pero syempre ay dinagdagan ko ng kaunting arte ang ganap ko para lalong maawa ang dalawa kong friends na mayaman.
"OMG! Hindi pwede iyan! Hindi na tayo sabay na gra-graduate niyan! Tina, gumawa ka ng paraan! Sustentuhan mo si Peng," maarteng utos ni Sabel rito na muntik ko ng ikinatawa.
"Wow, ah! Makapag-utos? Bakit, anak ko siya? Anak ko siya? Tss," nawiwindang na saad naman nito na may pagtirik pa ng mata.
"Sus, kayang-kaya mo iyan. Mas mayaman ka naman sa akin e, duh,"
"Huwag na, guys. Nakakahiya naman sa inyo. Okay lang ako, isang taon lang naman. Mag-iipon ako para makapagpatuloy next year. Ayoko na rin kasing umasa kina Papang kaya hindi ko na rin binanggit sa kanila," malungkot na sagot ko sa mga ito.
"Oh my God, Park. Hindi pwede iyan. Gagawa kami ng paraan ni Sabel. Wait lang..." sabi nito at parang may kung anong iniisip. Maya- maya pa ay may di-nial siya sa phone niya.
"Hello Kuya? Am... I'm badly need your help. Ipasok mo naman sa work iyong isa kong bessy diyan, oh. Sobrang broke siya ngayon, e. Yup she's badly need that salary para makapagpatuloy siya ng study for next school year....Oh my God! Talaga Kuya? Yay! Thank you so much. Pero hoy! Huwag mong pahihirapan si Peng ha. Bessy ko iyan. At bigyan mo siya ng mataas na sahod para may pang-gig pa kami... Hahahaha. Okay, I'll tell her. Thanks ulet! Love You, Kuya Rally!" natatawang sabi nito bago binaba ang phone.
"Kyaaahhh!" sigaw nito sa harap namin ni Sabel.
"Anong nangyayari sa iyo? Okay ka lang, Tina?" takang-tanong ko rito.
"OMG! Don't tell me na kausap mo si Kuya Rally sa phone? Iyong super yummy mong kinakapatid? Kyaaahh! Anong sabi?" tila kinikilig naman na sabi ni Sabel dito.
"Well, It's a good news for you, Peng. Tinanggap ka na ni Kuya bilang temporary secretary niya. At pwede ka ng mag-umpisa bukas na bukas din!" masayang sabi nito.
"Teka, teka, teka, bakit ang bilis? At saang trabaho iyan? Secretary talaga?" sunod-sunod na tanong ko rito.
"Yup. Temporary secretary. Kuya Rally is working as one of the Directors of Park- Smith Corporation. Isa iyong malaking kompanya ng mga pagawaan ng mga high-tech gadgets and cars. At sakto ang tawag ko dahil mag-mamaternity leave na yata iyong secretary niya this week kaya ikaw muna ang papalit," excited na sabi nito.
"Sure ka? Putragis na iyan, Tina. Baka hindi ko kaya iyon since malaking company pala iyang tinutukoy mo!" nag-aalangang sabi ko rito.
"Ah, basta, bawal ka ng tumanggi. Naka-settle na ako kay Kuya. Don't worry, mabait si Kuya at dahil sinabi kong friend kita kaya hindi ka no'n pahihirapan," pagkumbinse niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Ficção HistóricaAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...