Chapter 21

90 12 2
                                    

A/N: Sorry po kung ngayon lang naka-update. Sobrang na-busy po sa ibang ganap. Enjoy reading po! May spg ulet kaya patnubay ng magulang ang kailangan.😂😊

Hindi na ako bumalik sa PSC katulad ng sinabi ni Roswell. Pero iyong iniisip kong closure sa pagitan namin ay hindi naman nangyari.

Tatlong araw lang siyang hindi nagpakita sa akin pero sa pang-apat na araw ay nagulat ako sa tumambad na bisita sa harap ng bahay namin. Wala sila Tita, nasa work at ang mga pinsan ko naman ay nasa school at mamaya pang alas-sais ng hapon ang uwi. Kaya kapag ganitong mga weekdays ay ako lang talaga ang naiiwan sa bahay.

"Roswell? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko rito. Di ko na kasi inisip pa na makikita ko siya ulit.

"Hindi mo man lang ba muna ako papapasukin?" balik-tanong nito. Nakapang-office attire siya. Teka, papasok pa lang ba siya ng work o may dinaaanan lang dito?

"Aah, wala sila Tita. Mamaya pa ang uwi nila,"

"I know. Kaya dito muna ako," maiksing sagot nito at nagkusa ng pumasok sa loob at prenteng umupo sa sofa.

"Roswell, hindi ka pwede rito..."

"At bakit hindi? Bawal ko na bang dalawin ang dati kong sekretarya?"

"Wala naman akong sakit para dalawin," masungit na sagot ko rito.

"Wala ba? Bakit sinabi ni Tita Anne meron?"

"Anong meron? Teka, nagtetext kayo ni Tita?"

"Nope hindi sa text. Tinatawagan ko si Tita at doon ko nga nalaman na may-sakit ka," nakangising sabi nito bago muling tumayo para lumapit sa akin. Nakaupo kasi ako sa kabilang side ng mahabang sofa. At dahil na-tensed ang lola niyo sa biglang paglapit nito kaya bigla akong napatayo.

"Wala akong sakit. Baka binibiro ka lang ni Tita." tanggi ko rito pero tinawanan lang ako nito at muling lumapit sa akin.

"Then let me check you, kung wala nga."

Hindi na ako nakapalag nang mas lalo itong lumapit sa akin. Gusto ko sanang uling umiwas pero magiging obvious na ako no'n kaya ibinaling ko na lang sa iba ang tingin ko.

Hinawakan niya ang noo ko kaya lalo na akong nataranta. Pakiramdam ko nga ay ang pula na naman ng pisngi ko. Hays, bakit kasi ang lakas ng epekto mo palagi sa akin, Roswell?

"Hmm, hindi ka naman mainit pero sobrang pula ng mukha mo. Bakit kaya?" nakangising tanong nito.

"Ewan ko. Am, gusto mo ng kape? Teka ipagtitimpla kita," natatarantang sagot ko rito. Umalis na ako sa kinatatayuan ko at nagdire-diretso sa kusina. Ayoko ng mapalapit uli sa kanya dahil may kung ano na naman siyang binubuhay sa akin na hindi ko kayang pigilan. Idagdag pa iyong manipis na blouse at maiksing palda na suot ko kaya lalo na akong nailang sa mga titig niya. Putragis kasi, ba't ko ba kasi naisipang magsuot ng ganitong damit ngayon?

Alam kong sumunod siya sa akin at nanatili sa likuran ko habang nagtitimpla ako ng kape niya kaya hindi na ako nagulat nang magsalita siya pero pakiramdam ko ay nagtayuan yata ang lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya.

Niyakap niya ako mula sa likuran at isinandal ang baba niya sa balikat ko.

"Miss na miss na kita, Peng. I'm sorry pero hindi ko pala kaya iyong ganitong set-up natin," may paos sa tinig na sabi niya.

"Roswell..."

"I'm so damn miss you. And I want you now, Peng," mahinang anas niya. Binigyan niya ako ng maliliit na halik sa palibot ng tainga ko pababa sa leeg ko. At kasabay no'n ay ang pagsapo niya sa magkabilang dibdib ko. Napasinghap ako at nabitawan ang tinitimpla ko sa lamesa.

Marrying Rizal Park [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon