Chapter 23

29 1 0
                                    

Kinabukasan ay sinundo ako ni Roswell kasama si Lolo Paquito na lolo ni Roswell sa bahay nila Tita. Luluwas kami ng Batangas nang araw ding iyon dahil mamamanhikan na sila Roswell sa amin. Kasama sina Tita Anne at ng tatlo kong pang pinsan nang umuwi kami.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila Mamang at Papang. Naki-kinikinita ko ng magagalit sila, dahil hindi ko man lang natapos ang pag-aaral ko na tanging pangarap nila para sa akin.

Hindi na nagulat sila Mamang nang binanggit ko ang tungkol sa plano naming kasal ni Roswell. Pero sinabi niyang sana raw ay matapos ko pa rin ang pag-aaral ko kahit na maikasal na kami na agad din namang sinang-ayunan ni Roswell.

Akala ko ay magkakaroon ng pagtutol pero naging maayos naman ang usapan nila Papang at ni Lolo Paquito. Nangako sila Lolo na maipapagpatuloy ko pa rin ang pag-aaral ko pagkatapos kong makapanganak. Hanggang sa dumating sa usapan na naintindihan ko na kung bakit gano'n na lang kabilis natanggap ni Papang si Roswell. May inilabas siyang photo album at ipinakita sa amin ang isang lumang larawang nakalagay roon. Napangiti na lang si Lolo Paquito nang makita niya iyon.

"Sinasabi ko na nga ba. Sa unang kita ko pa lang sa iyo iha ay napakapamilyar na ng hitsura mo. Kamukhang-kamukha mo ang matalik na kaibigan ni Lolo Rizal na si Peng," nakangiting sabi sa akin ni Lolo.

"Tama ho kayo Don Paquito. Matagal na itinago ito ni Lolo noon dahil ito lang ang naiwang ala-ala ng taong nagbigay sa amin ng apelyidong Park. Gusto niyang makilala ng hanggang sa susunod pa naming salin-lahi ang taong pinagkakautangan namin ng apelyidong iyon," nakangiting sabi naman ni Papang.

"Kaya sinong mag-aakala na muli silang magtatagpo sa panahong ito? Naniniwala akong sa pamamagitan ninyo, Peng at Roswell ay natupad ang iniwang pangako nila Lolo sa isa't isa kaya ako'y labis na natutuwa. At sino ba ako para pigilan ang pagmamahalan niyong dalawa? Binibigay ko ang basbas sa inyo mga anak. Mahalin niyo at alagaan ang isa't isa," dugtong pa ni Papang na lalo ko ng ikinaiyak.

"Papang, salamat." tanging nasabi ko na lang rito. Ginagap ni Roswell ang kamay ko bago kinausap si Papang.

"Maraming salamat po sa basbas niyo, Papang. Ipinapangako kong palagi kong proprotektahan at mamahalin si Peng, ang Aking Reyna."

"Aba'y dapat lang apo. At maganda rin sana kung mabigyan niyo na ako ng maraming mga apo agad," singit naman ni Lolo Paquito sa usapan na ikinatawa na lang namin.

May inilabas si Lolo Paquito na mga dokumento at ibinigay iyon kay Papa.

"Para saan ho ito Don Paquito?"

"Ah, iyan ang mga lupaing ibinalik ng Lolo Peng mo noon sa gobyerno. Nalaman kong napunta iyan sa pribadong pag-mamay-ari kaya sinikap kong makuha ulit ang mga ito para maibalik sa pamilya niyo. Matagal ko na rin kayong ipinahanap sa buong Quezon. Pero lumipat pala kayo ng lugar kaya nahirapan ako. Pero ang mahalaga ay nakita ko na ulit kayo. Natupad ko na rin ang pangako ko noon kay Lolo Rizal," nakangiting sabi naman ni Lolo Paquito.

"Maraming salamat, Don Paquito."

"Walang anuman. At ano pa bang hinihintay natin? Kailangan mairaos na ang magarbong kasalan sa lalong madaling panahon. Hahahaha!"

Nagkatinginan na lang kami ni Roswell at napangiti sa isa't isa. Kung hindi ko pa nakilala si Lolo Paquito bago bumalik ang ala-ala ko ay iisipin kong siya si Ama. Kahit ang pagtawa niyang tunog kontrabida ay kuhang-kuha ni Ama, I mean ng Ama ni Lady Peng Soo Ah. Pero kahit gano'n ang pagtawa niya ay gustong-gusto ko iyong pakinggan. Dahil alam kong kahit hindi man kami nagkaroon ng maraming araw para magkasama sa nakaraan ay naging maganda naman ang pagkakakilala namin sa kasalukuyang panahon.

Marrying Rizal Park [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon