"Pinaglololoko mo ba ako, Kamahalan? May pa-english-english ka pang nalalaman, ha. You're mine alone. Asus! I-mine alone mo iyang mukha mo! Sino ka? At bakit nagpapanggap kang ikaw ang Kamahalan?"
Huling-huli ko ang pagkataranta at pamumutla ng mukha nito bago ito mabilis na tumalikod sa akin.
"Ah, kailangan ko na palang umalis. Mayroon pang pagpupulong na gaganapin mamaya. Kailangang naroon ako," biglang paalam nito at hindi na ako nilingon. Pero mabilis akong nakaagapay sa kanya bago pa siya tuluyang makasakay ng kabayo.
"Hep, hep, hep. Sa tingin mo ba ay papayagan kitang umalis nang hindi sinasagot ang tanong ko, Kamahalan?"nang-aasar na sabi ko rito. Hinawakan ko siya nang mahigpit sa isang kamay para pigilan siya sa tangka niyang pagsakay sa kabayo.
"Tsk. Okay fine! Wala naman akong planong maglihim sa iyo, Peng kaya nga sinabi ko ang totoo kong pangalan. Tara. Sumama ka sa akin at doon natin kilalanin ang isa't isa," nakangising turan nito at basta na lang niya ako isinakay sa kabayo.
"Hiyaahh!" Mabilis kaming umalis sa bahay ko. Nakita ko pa ang nagtatakang mukha ni Min Young habang nakatanaw sa pag-alis namin.
"Ano't teka. Saan tayo pupunta? Ibaba mo ako Rizal!" asar na singhal ko rito pero isang nakalolokong ngisi lang ang isinagot nito.
Balewala na ring magsalita pa dahil mukhang wala itong balak na sumagot o ihinto ang papapatakbo kaya hinayaan ko na lang siya at hinintay kung saan niya ako dadalhin.
Lumabas kami sa bayan hanggang sa muli kong nakita ang malawak na ilog ng Han. Teka, dito kami unang nagkita ni Rizal.
Huminto kami roon at tahimik siyang bumaba. Inalalayan niya rin muna akong makababa ng kabayo bago siya muling nagsalita.
"Dito tayo unang nagkita, naalala mo?"
"Hmm. Eh ano naman?"
"Tsk. Dahil dito rin ako unang napadpad bago ko madiskubreng nasa ibang panahon na ako,"
Natutop ko ang bibig ko sa sinabi niya.
"Teka, huwag mong sabihin na parehas tayo?!" malakas na bulalas ko rito.
"Oo, Peng. Katulad mo ay galing din ako sa hinaharap," nakangiting sagot nito.
"Pero bakit hindi ka naniwala sa akin noong una?"
"Hindi ako makapaniwala pero hindi ibig sabihin na hindi ako naniwala. Magkaiba iyon, Peng. At isa pa, ayokong magtiwala sa kahit kanino lalo na sa iyo at sa pamilya mo. Kaya nagulat ako nang makita kita at sinabi mong galing ka sa ibang lugar. At iyon na. Nagbago na ang lahat ng plano ko simula ng dumating ka." mahabang sabi nito habang nakatanaw sa malawak na ilog ng Han.
"Plano?"
"Ang alamin kung bakit ako napadpad dito sa panahong ito at bakit ako ang Kamahalan nila? Ikaw, may ideya ka na ba tungkol sa totoong pagkatao ni Lady Soo Ah?"
"Wala rin akong alam, Rizal? Teka Rizal Park ang binanggit mong pangalan. Ikaw ba talaga iyon?"
Napangisi siya sa tanong ko at tuluyan na akong hinarap.
"Sa umpisa pa lang na sinabi mong hindi ikaw si Peng Soo Ah ay naniwala na ako. Kaya ginamit ko ang totoo kong pangalan. At lalo ko ng nakumpirmang hindi ikaw si Soo Ah dahil sa halip na magtaka ka sa binanggit kong pangalan ay tinawanan mo lang iyon," may halong asar na sabi nito.
"Hehehe. Akala ko kasi ay nagjo-joke ka lang, Kamahalan este Rizal," natatawang sagot ko rito na sinimangutan lang nito.
"Pero teka, kailan ka pa napunta sa lugar na ito at paano ka nakarating dito?" seryosong tanong ko sa kanya maya-maya.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historische RomaneAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...