Warning: May mga kwento si Peng na medyo SPG. Patnubay ng magulang ang kailangan. Charot!
Pagkatapos ng napakainit na tagpo namin ni Roswell kagabi ay nagising akong mabigat ang pakiramdam. Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit niya akong inangkin. Pero sigurado akong madaling araw na pero gising na gising pa rin kami ni Roswell lalo na iyong alaga niyang ang yabang-yabang kagabi.
At dahil sa first time kong makakita ng actual view no'n, naitanong ko pa tuloy sa kanya kung totoo iyon o baka kasi may daya. Pero natutop ko rin ang bibig ko pagkasabi no'n, Bigla kasi akong nahiya sa tanong ko lalo na nang tinawanan niya lang ako at binigyan ng pilyong ngisi.
Masisisi n'yo ba akong maghinala e, sobrang haba naman kasi. Lalo na nang mag-erect siya nang bonggang-bongga. Juskoday! Nawindang pa ako nang bigla niyang pinahawak sa akin iyon para daw mapatunayang patas lumaban ang alaga niya. Itinuro niya rin kung papaano iyon lalong hahaba. At dahil sa isa akong masunuring girlfriend at secretary ay sinunod ko lang ang lahat ng sinabi ni Roswell. At pagkatapos no'n ay hindi na talaga siya nasukat ng buong kamay ko. Hay juskoday. Isa lang ang masasabi ko, certified Daks ang toot-toot ni Roswell! Syet.
Pero dahil sa medyo wholesome akong tao ay hindi ko na i-chichika pa ang ibang detalye, ha. Pati iyong mga ginawa ko kay Daks.
Basta sabihin na lang nating wala ng pagtutol sa part ko. Naisuko ko na sa kanya hindi lang ang Bataan, kundi pati na rin yata ang buong Pilipinas. Bahala na kung anuman ang maging kahihinatnan nito basta ang alam ko ay ginawa ko iyon dahil mahal ko si Roswell.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko paggising ko. Bukod sa mabigat na pakiramdam ng buong katawan ko ay maingat akong kumilos at sinubukan kong kapain siya sa tabi ko. At doon na ako napabalikwas ng bangon. Wala na si Roswell sa tabi ko. Walanjong iyan.
Samantalang plinano ko pa kanina matapos naming magchuk-chak chenenengks na hindi ako matutulog. Iidlip lang ako ng very very light at uuwi na dahil sa totoo lang ay ayokong makita niya ako paggising niya. Hindi ko maintindihan pero hindi pa ako handang makita siya ngayon. Biglang nahiya ang lola niyo sa mga pinaggagawa ko kagabi na pwede na yatang ipasa sa pornhub kung may video. Ayokong magkita kami dahil nahihiya ako sa kanya. Huhuhu.
Pagbangon ko ay nakita ko ang isang bagong pink dress na maayos na nakatupi at nakapatong sa side table. Mayroon ding mga undies na naroon. Bigla na naman akong pinamulahan ng mukha nang makita ko iyon. Kaya agad ko na rin iyong itinago sa loob ng pink dress. At sa tabi nito ay nakapatong din ang masarap na breakfast with roses pa at isang note na nakaipit sa vase. Kinuha ko iyon at binasa.
_________
Thanks for the wonderful night, Peng. Gusto ko sanang magigising ka na ang pogi kong mukha ang makikita mo pero biglang may emergency call. Huwag ka na munang pumasok ngayon at magpahinga ka. Alam kong pagod ka pa and I'm sorry kung ako yata ang dahilan ng pagod mo. I'll make it up to you, Aking Reyna. See you tonight. Ipinagpaaalan na kita kay Tita Anne kung iniisip mo na namang tumanggi pa.-Roswell
_____________
Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko habang binabasa ko iyong note niya. Hindi ko alam kung maaasar ako, matatawa, mahihiya o kikiligin sa mga sinasabi niya sa sulat. Idagdag pa iyong call sign niya sa akin. Aking Reyna.Napakapamilyar ng tawag na iyon para sa akin na sa tuwing maririnig kong sinasabi niya ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Isa rin yata iyon sa naging dahilan kaya hindi na ako nakatutol pa kagabi. Binibigkas niya iyon habang inaangkin niya ako na parang ako ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya. Syet! At sobrang nakakakilig kaya iyon mga bes!
Tapos ano daw, See you tonight? Bakeet? Don't tell me na gusto niya ulit kaming mag-chuk-chak-chuk-chak- chenenengks-chenenengks?! Oh my golay! At kaya niya siguro ako pinagpagpapahinga nang buong araw ay dahil may laban na naman si Daks mamaya. Hmmp.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...