At katulad nga ng sinabi ni Rizal ay personal niya akong hinatid sakay ng kabayo niya. Pero mahirap gawin iyon kung suot niya ang Royal Hanbok niya kaya hinayaan niya muna akong mauna hanggang sa labas ng palasyo at doon ko siya hinintay.
"Tara na," nakangiting sabi nito at muli niya akong inalalayan paakyat ng kabayo bago kami tuluyang umalis sa lugar na iyon.
Pero habang tumatagal ay napapansin ko na parang hindi na ito ang daan pauwi sa bahay namin.
"Rizal, saan mo ko dadalhin? Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin," sabi ko rito at mabilis na nilingon ito. Kaya napasinghap pa ako nang maramdaman ang pagdampi ng labi ko sa pisngi niya sa biglang pagbaling ko rito. Agad rin tuloy akong napaharap at nag-iwas ng tingin dito.
"Mamaya na kita i-uuwi, Peng. May ipapakita pa ako sa iyo," mahinang sagot nito sa tainga ko. Pakiramdam ko tuloy ay nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya. Putragis na iyan! Aware ba siya kung ga'no ka-intimate ang position namin ngayon? Tapos ay bubulungan pa niya ako. Hays, parang bigla tuloy uminet! Juskoday!
Umakyat kami sa isang maliit na talampas na malapit sa ilog ng Han. Tanaw mula rito ang malawak na ilog at ang maliwanag na bayan ng Hanyang. Napakarami ring mga bituin sa langit at kitang-kita ang bilog na buwan na siyang nagbibigay liwanag sa buong paligid.
"Napakaganda ng lugar na ito! Ito ba ang ipapakita mo sa akin, Kamahalan?" masayang bulalas ko sa kanya. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at sinamyo ang malamig na simoy ng hangin na mabining humahaplos sa pisngi ko.
"Hmm, dito ako madalas magpunta kapag gusto kong mag-isip. Pero hindi iyan ang gusto kong ipakita sa iyo," mahinang turan nito.
Marahan siyang bumaba sa kabayo bago niya ako inalalayan pababa. At pagkatapos no'n ay may kinuha siyang bagay mula sa likuran niya.
Back pack? Ngayon ko lang napansin na may dala siyang ganito.
"Ito iyong sinasabi ko sa iyong nadala kong gamit mula sa hinaharap. Tara doon tayo," yaya sa akin ni Rizal. Napasunod na lang ako nang hinawakan niya ako sa isang kamay at inakay papunta sa malaking puno na nakatayo sa gilid ng talampas.
Umupo kami roon at saka niya iniabot sa akin ang bag na dala niya. At nang mabuksan ko iyon ay halos mapamulagat pa ako nang makita ang iba't ibang klase ng gadget na naroon. May cellphone, laptop, hi-tech watch, DLSR camera at isang pa-heart shape box na puro chocolates ang laman.
"Bakit ito ang laman ng bag mo? I mean, mukhang aakyat ka yata ng ligaw bago ka napunta rito noh," pang-aasar ko dito.
"No, hindi ko manliligaw,"
"Eh, ano?"
"I'm going to propose to my girlfriend." seryosong sabi nito na ikinagulat ko.
May inilabas siyang isang maliit na kahon at ipinakita sa akin ang isang diamond ring na nakalagay sa loob no'n.
"Ah, gano'n ba? Pero hindi natuloy dahil bigla kang napadpad sa panahong ito?" mahinang tanong ko sa kanya. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng lungkot nang tinanong ko iyon. Kung gano'n ay wala pala talagang chance na magkagusto siya sa akin dahil may babae naman siyang iniwan sa totoong panahon namin.
"Hmm, hindi ko alam noong una kung bakit ako naiinis kay Lady Jin Ah. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit," sagot nito na ikinalito ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nang araw na iyon ay naisipan ko ng mag-propose sa girlfriend kong si Jenny. At kahapon ko lang naalala ang lahat. Kamukha niya si Lady Jin Ah. At kaya ako naiinis ay dahil sa nahuli ko silang magkasama ng pinsan kong si Rally sa mismong araw na magpopropose ako sa kanya. Bullshit! And guess what, ang lalaking pinsan ko pa ay kamukha naman ni Bo Ram. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng panahon. Bakit kailangang maging konektado pa sila sa nangyayari sa akin ngayon, Peng?" tila nasasaktang turan nito bago ito napangiti nang mapait.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...