Pinatawag ako ni Sir Rally nang hapon ding iyon dahil may importante daw siyang sasabihin. Putragis na iyan, siguradong sersemunan na niya ako ng bonggang-bongga dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Mr. Park at baka ang mas malala pa ay malamang na tanggalin na niya ako sa work. Huhuhu. Hindi pwede 'to! Hindi pa sapat ang pera ko na pampa-enroll ko for next school year. Tama, makikiusap na lang ako sa kanya.
Tahimik akong pumasok sa loob ng main office niya.
"Sir Rally?"
Nadatnan kong may binabasa siyang mga importanteng papeles bago niya ako nilingon.
"Oh, Peng! Teka, ah. Upo ka muna."
Inayos niya muna iyong mga papeles pabalik sa drawer bago ako muling sinulyapan.
"Sir, kaya mo ba ko pinatawag ay dahil tatanggalin niyo na ako?" nag-aaalalang tanong ko rito.
"Gano'n ba ang iniisip mo?" natatawang tanong naman nito.
"Eh, kasi po, hindi talaga naging maganda ang engkwentro namin ni Mr. Park kanina. Sinigawan niya kasi ako ng You're fired! Eh di sinagot ko naman siya ng anong I'm fired? Sino ka ba para tanggalin ako? You're not even my Boss! Waahh! Sir Rally, tototohanin niyo na po ba iyong sinabi niya?" kinakabahang turan ko rito.
"Hahaaha, talaga sinabi mo iyon? Tsk. Kaya pala galit na galit ang ungas. Nako, siguradong hindi niya palalagpasin iyong ginawa mo," sabi pa nito na parang lalo akong tinatakot.
"Hala, Sir! Uuwi na po ako. Ayoko ng magtrabaho dito," agad kong sabi sa kanya at tangkang aalis na.
"Hahaha! Joke lang! Kinabahan ka ba?" Natigil ang paglalakad ko palabas sa sinabi nito bago nakasimangot na muling humarap sa kanya.
"Sir Rally naman e! Kinakabahan na nga po ako, e!" inis na sabi ko rito at sumalampak ulit ng upo.
"Hehehe, nakakatuwa ka kasi. Ang bilis mong maniwala. Sorry na. Pero, natatakot ka ba talaga sa kanya?" seryosong tanong nito maya-maya.
"Hmm. Sino naman pong hindi kakabahan. Masyadong malaking tao po ang binangga ko. Sa totoo lang ay gusto ko pa pong magtrabaho sa company na 'to pero wala naman po akong magagawa kung matetermi ako," malungkot na sagot ko na lang sa kanya.
"Don't worry, hindi ko hahayaang tanggalin ka niya,"
"Nako! Talaga po Sir Rally? Super thank you po, Sir. Lalo ko pa pong pagbubutihin ang trabaho ko," natutuwang sagot ko rito.
"Pero kasi, Peng. May hiningi siyang pabor sa akin..."
"Po?"
"He needs a secretary. At gusto niyang ikaw ang maging personal secretary niya habang narito siya sa Korea. Okay lang naman sa iyo, iyon 'di ba?"
Para akong naestatwa sa sinabi nito. Pero sa totoo lang ay ayoko munang mag-react dahil kapag pumalag ako ay sasabihin na naman nitong JOKE LANG! Nako kilala ko na 'tong si Sir Rally. Pwes, Hindi na niya ako maiisahan ngayon.
"Hey Peng, bakit hindi ka na nakasagot?"
"Hinihintay ko iyong time na sasabihin mong Joke lang ulet, Peng!" sagot ko rito na lalo lang nitong ikinatawa.
"Hahahaha. Sira ka talaga. Eh, kaso hindi joke iyon. Totoo iyong sinasabi ko,"
"Hala! Seryoso?! Pero baket ako? Ang dami naman po diyang magaling na secretary. Sir Rally naman, huwag niyo akong ipamigay roon," pakiusap ko rito.
"Pasensiya ka na Peng. Wala akong choice e. Big Boss ang nag-request pero don't worry. I'm sure naman na hindi ka niya papahirapan dahil sinabi ko na trainee ka pa rin naman at isa pa, kaibigan mo si Tina. Oh, iyan ah. Ang lalakas na ng back-up mo kaya huwag ka ng mag-alala. At isa pa, walang magbabago sa napagkasunduan nating salary mo kaya relax ka lang, Peng," nakangiting pagkumbinse pa nito sa akin at saka ako kininditan.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...