"Hi! Ms. Penelope! Musta ang meeting?"
Naputol ang iniisip ko ng kalabitin ako ni Aira.
"Ha? Ah okay lang, nasa loob na si Sir Park?"
"Hmm.. Nagmamadali nga siyang pumasok e. Teka, may nangyari ba?" usisa nito.
"Wala naman. Ba't mo naman naitanong? Mukha ba siyang galit?"
"Hindi naman siya mukhang galit pero mukha siyang nate-tensed. Hindi na nga niya napansin ang pagbati ko. Basta dire-diretso lang siyang pumasok sa loob."
"Hindi ko rin alam, Aira. Sige ah, pasok na ko sa loob. Marami pa akong kailangang tapusin,e." paalam ko na lang rito.
Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Hindi na rin lumabas si Mr. Park mula sa silid niya na ipinagtaka ko pa. Teka, hindi pa rin siya kumakain 'di ba? Grabe naman siya. Gano'n ba siya katutok sa trabaho para makalimutan na tanghalian na?
Alas dose na rin kasi natapos ang board meeting pero sa halip na sabihing lunchtime na at kumain muna kami ay bumalik lang kami nito sa office niya. Wala na rin tuloy akong nagawa kundi ipagpatuloy na lang iyong sangkaterbang trabahong inuutos niya. Niyaya ako ni Aira kumain pero tinanggihan ko ito at sinabing susunod na lang ako.
Halos nangangalahati na ako sa ginagawa ko nang makaramdam ako ng matinding gutom. Waahh! Hindi ko na kaya, nagugutom na ako! Pagtingin ko sa orasan ko ay alas-tres pasado na ng hapon. Medyo nahihilo na rin ako dahil sa halos maghapon na akong nakatapat sa computer.
Tumayo ako para katukin siya sa loob.
"Sir Park?" pero walang sumagot. Pagpihit ko ay naka-lock din ito mula sa loob.
"Mr. Park? Yuhuu!"
"What?"
Bigla akong napalingon sa likuran kaya nagulat pa ako ng makitang nasa likuran ko na siya. Teka, parang hindi ko naman siya napansin kanina na lumabas.
"Sir kanina pa ba kayo wala sa loob?"
"Saglit lang ako nawala. Bakit hinahanap mo na ako agad?" naa-amuse na sabi nito. Pinamulahan ako ng mukha hindi lang sa sinabi niya kundi dahil sa paraan ng pagtitig niya ngayon sa akin. Hindi ko na makita iyong masungit niyang aura. Napalitan iyon ng ngising nakakaloko na ngayon ko lang nakita sa kanya pero pakiramdam ko ay napakapamilyar para sa akin.
"Ah, hindi kita napansin na lumabas kanina sa room mo,"
"Busy ka kasi sa ginagawa mo. By the way, nasaan na pala iyong pinatake-down notes ko sa iyo kanina?"
"Ha, ano Sir,"
"Anong ha, ano Sir? Don't tell me na wala kang sinulat?"
Sa isang iglap ay bumalik na naman sa seryosong mukha ang hitsura ni Mr. Park kaya kinabahan na naman ako.
"Ah, meron po."
"Nasa'n? Gusto kong makita."
Dumiretso ito sa table ko. Nakita niya iyong mini notebook na dala ko kanina at kinuha iyon. At katulad ng inaasahan ko ay kunot-noo na naman ang kilay niya habang tinitingnan ang mga isinulat ko roon.
"Secretary ka ba talaga? Ano 'to? Ni hindi ka marunong mag-takedown ng notes!" asar na sita nito.
"Sorry, hindi ko pa kasi naayos dahil inuna ko agad iyong pinapatype niyo," nakayukong sabi ko rito.
"Tsk. Dapat alam mo kung ano ang mga dapat unahin o hindi. And you should be flexible kung gusto mong makatagal sa trabahong 'to!"
Nagpanting na talaga ang tainga ko sa mga sinabi niya. Idagdag pa iyong sobrang gutom na ako tapos pinapagalitan niya ako nang ganito! Aist, hindi na 'to pwede!
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...