Chapter 2

89 18 5
                                    

May nadaanan kaming maliit na pamilihan kanina. Pero nilagpasan namin iyon at tumigil sa isang village na naroon. Tanaw mula rito ang palasyo. Kaya tingin ko ay ito na ang bayan ng Hanyang. Pakiramdam ko talaga ay nasa isang historical k-drama ako dahil sa mga nakikita ko. Alam niyo iyong sa palabas na Jumong at Jewel in The Palace? Ganoon ang ambiance ng buong paligid. Idagdag pa na ang lahat ng mga tao ay nakasuot ng iba't ibang klase ng hanbok na base rin sa iba't ibang antas ng pamumuhay nila.

Ibinaba ako ni Rizal sa isang malaking bahay doon na gawa sa kahoy.  Tangkang sasakay na ulit siya sa kabayo niya  kaya mabilis ko siyang pinigilan.

"Teka lang, Rizal! Sa'n ka pupunta? Iiwan mo ako dito?" nag-aalalang tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa braso.

Napa-ismid siya sa ginawa ko. Tinabig niya ang kamay ko at matiim akong tiningnan.

"Huh! Kailan mo balak tapusin ang palabas mo? Tama na, Peng. Naihatid na kita sa bahay mo."

"Aist. Mahirap ipaliwanag, Rizal. Pero, sure ka na dito talaga ako nakatira?" Bulong ko pa sa kanya. Halata ang pagkailang niya dahil sa ginawa ko. Inilayo niya ang mukha niya sa akin at umiwas ng tingin.

"Dito ka nga nakatira. Kailan ka pa naging makulit? Kailangan ko ng bumalik sa palasyo."

"Pero..."

"Anong pero? Sasabihin mo na naman ba na hindi ikaw si Peng Soo Ah? Sige paniniwalaan kita pero anong ibig sabihin ng name tag na nakalagay sa beywang mo?"

"Anong ibig mong sabihin? Posible ba na maniwala ka sa akin, Rizal? Teka, kilala mo ba talaga ang sinasabi mong Peng Soo Ah?" balik-tanong ko sa kanya.

"Kilala kita pero hindi ko masyadong napagmasdan ang hitsura mo kagabi..."

"Hala, baket naman?"

"Tsk, dahil hindi ako interasado sa iyo. Ngayon ako naman ang sagutin mo. Kailan mo tatapusin ang palabas mong hindi ikaw si Peng Soo Ah at hindi mo ako kilala?" matalim na sabi nito.

"Ah, kasi hindi ko rin maintindihan pero hindi ko alam kung paano ako napunta dito sa lugar na 'to, Rizal. Tama ka ng sinabi mong Peng ang pangalan ko. Pero ang buo kong pangalan ay Penelope Park. Nakakagulat na magkaparehas tayo ng apelyido pero iyon talaga ang totoo," seryosong sabi ko sa kanya.

"Talaga? Kung gano'n ay bakit nasa iyo ang name tag ni Soo Ah? Alam mo ba na kamatayan ang magiging kaparusahan kapag napatunayang kinuha mo sa kanya ang pangalang iyan?"

Biglang nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya. Putragis na iyan. Paano ba ako napunta sa ganitong klase ng trouble?

"Teka, ano saglit lang, ah."
Pinikit ko nang mariin ang mata ko at nagpanggap ng nag-iisip nang malalim. Hinawakan ko pa ang noo ko.

"Aawts!" sigaw ko sabay dilat na halatang ikinataranta nito.

"Anong nangyayari sa iyo? Okay ka lang ba? Anong masakit sa iyo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Hinawakan niya ako sa noo. At pagkatapos no'n ay wala na dahil pakiramdam ko ay napalitan na ng kakaibang init ang nanlalamig kong katawan nang hinawakan niya rin ang magkabilang pisngi ko.

"Ah, ayos lang ako, Rizal." Pag-iwas ko ng tingin rito. Napansin ko naman na nagulat rin siya sa ginawa niya kaya bigla siyang napabitaw sa akin.

"Bigla-bigla ka na lang kasing sumisigaw riyan. Akala ko tuloy ay napa'no ka na,"

"Ah, medyo sumakit kasi ang ulo ko. Pero wait, may kaunti akong naalala," pag-iinarte ko rito. Bahagya ko pang hinilot ang parte ng noo ko na kunwari ay sobrang sakit.

"Siguradong kang okay ka lang? Ano bang nangyari sa iyo kanina?"

"Ah... kasi nadulas ako sa batuhan sa may ilog kanina. At palagay ko ay nauntog yata ang ulo ko. Kaya siguro hindi ko maalala agad na ako nga si Peng Soo Ah," pagdadahilan ko rito.

Marrying Rizal Park [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon