Warning: May very very light na SPG ulet.
Lumabas ako ng hospital na iyon na parang wala sa huwisyo kaya hindi ko na namalayan na may nakabangga na ako.
"Hey, are you okay?"
"Sorry po..Sorry po...Sorry po," sunod-sunod na paghingi ko ng paumanhin habang nakayuko.
"Ang dami namang sorry iyon. Okay lang ako, Peng,"
Bigla ang paglingon ko nang marinig ko ang boses na iyon.
"Sir Rally?"
"O, bakit parang gulat na gulat ka. Lalo akong pumogi sa paningin mo, no?"
Kung okay sana ang pakiramdam ko ay matatawa ako sa biro niyang iyon pero dahil sa broken ako kaya dedma ko lang ang joke ni Sir Rally.
"Hmm, mukhang ikaw yata ang hindi okay, e." puna nito nang nanatili lang akong tahimik.
"Bakit, Sir Rally? Hindi pa ba nakarating sa iyo ang balita. Kalat na kalat na nga, e," ganting-tanong ko rito.
"Nakarating na. Kaya nga ako nandito ngayon, e,"
"Ha?"
"Para damayan ka. Hindi ko na hahayaang mangyari iyon, Peng. Dahil binabawi ko na ang secretary ko. Hindi ka na magtratrabaho pa kay Roswell," seryosong sagot nito na ikinatanga ko na lang.
Magsasalit na sana ako pero isang galit na tinig ang nagsalita sa likuran ko.
"Talaga, anong babawiin? Wala kang babawiin Leighton, kaya makakaalis ka na!" asik nito at basta na lang ako hinatak papalapit dito.
"Roswell!" gulat na sabi ko rito. And as always ay G na G na naman si Roswell habang nakatingin kay Sir Rally.
"Ayoko sanang gawin. Ayokong makialam hangga't maaari pero wala kang kwenta, Roswell. Hindi mo siya kayang protektahan! Sinasaktan mo lang si Peng kaya tama lang na bitiwan mo na siya," galit ding sabi ni Sir Rally dito. Hinawakan naman niya ako sa isang kamay kaya ang siste ay para nila akong pinag-aagawan. Nakakahaba ng hair 'di ba pero hindi ako natutuwa.
Pero bago pa maputol ang kamay ko sa mahigpit na paghatak nila sa akin ay binitiwan ako ni Roswell at isang malakas na suntok ang pinakawalan niya na tumama sa mukha ni Sir Rally. Tulog si Sir Rally, de joke lang.
Napatumba si Sir Rally sa damuhan. Nagulat ako at tangkang dadaluhan ito pero maagap lang na nahatak ulit ni Roswell iyong kamay ko.
"Ayoko ng makikita ko ulit na hahawakan mo si Peng. Naiintindihan mo?" matigas na sabi nito.
Napangisi lang si Sir Rally bago ito mabilis na tumayo.
"Kung gano'n ay ayusin mo ang gulong ginagawa mo. At huwag mong idadamay si Peng dahil isang maling galaw pa, Ross, hindi mo na ako mapipigilan," banta nito bago nakangising yumukod at saka ako sinulyapan.
"Ingat ka, Peng. Pwedeng tumigil kung masakit na," nakangiting sabi nito bago kami tinalikuran at sumakay sa sasakyan niya. Natanaw ko pa ang pag-alis ng sasakyan niya bago ko muling hinarap si Roswell.
"Bakit mo siya sinuntok?" malamig na tanong ko rito.
"Tsk. Huwag mong sabihin na kakampihan mo iyon kaysa sa akin? Wow. O baka naman mas gusto mo na ngang sumama do'n?" singhal nito sa akin. Pinilit kong kontrolin ang boses ko bago siya sagutin. Kailangan cool pa rin ang dating ko kahit na nasasaktan na ako.
"Bakit kung gusto ko bang sumama sa kanya ay papayag ka? Hindi na kita pahihirapan pang makapag-isip Roswell. Pinapalaya na kita," mahinahong sabi ko rito.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Ficción históricaAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...