"This blue diamond ring... Hey, it's my family's heirloom! Binigay ito ni Lolo para ibigay ko sa girlfriend ko. Paano 'to napunta sa iyo, Peng?" tanong nito na lalo ko ng ikinatanga.
Hindi ko alam kung paano napunta sa akin ang singsing na hawak niya ngayon pero imposibleng sa kanya ito. Ngayon ko pa lang siya nakilala. Imposible talaga.
"Sure ka Sir Park, I mean Roswell? Baka naman kamukha lang ito ng sinasabi mo?" balik-tanong ko sa kanya.
"Hindi ako pwedeng magkamali, Peng. Ang pamilya lang namin ang may ganyang klase ng heirloom sa buong mundo. Makikilala ko siya hindi sa bato niya kundi sa nakaukit na karakter sa loob nito. Gusto kong makumpirma, Peng," nakangiting sabi niya na bahagya ko pang ikinatulala. Shems naman kasi, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti at putragis na iyan, mas lalo palang nakakatunaw iyong mangitian ng isang Roswell Park. At madali naman akong kausap. Isosoli ko na 'to sa kanya, basta lagi lang siyang mag-smile sa akin. Hehehe.
"Hmm... Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ito napunta sa akin, Sir Roswell. Pero kung sinasabi mo na sa iyo ito ay maniniwala ako. Hindi mo na kailangang sipatin pa ito nang husto. Ibinabalik ko na sa iyo ang singsing," nakangiting sabi ko rito at tangkang tatanggalin na ang kwintas sa leeg ko pero agad niya akong pinigilan.
"Wait, bakit mo binabalik agad?"
"Ha? Akala ko ba sa iyo 'to? Eh, di ibabalik ko na?" takang-tanong ko rito. Parang ewan to si Roswell, inaangkin niya iyong singsing kanina pero ngayon naman ay ayaw niyang ipaalis sa akin.
"Hindi sa gano'n. What I mean is hindi mo ba iisipin muna kung paano napunta sa iyo iyan?"
"Ilang buwan na rin ang nakakalipas no'n, Si— am, Roswell nang bigla na lang itong napunta sa kamay ko. Nakatulog kasi ako sa park tas paggising ko ay suot ko na ito, pero I swear hindi ko talaga alam kung paano rin 'to napunta sa akin." mahabang paliwanag ko rito.
"Hmm, hindi mo ba siya napulot?" takang-tanong nito.
"Napulot? Imposible kasi nasa kamay ko na siya nang magising ako. Bakit mo naman nasabi?"
Pero naputol na ang pag-uusap namin nang may babaeng malakas na tumawag ng pangalan niya.
"Ross!"
Napalingon ako bigla sa likuran namin at nakita ang napakagandang babae na masayang lumalapit sa amin.
"Oh my God Ross, nandito ka lang pala! I was waiting for you in Korea! Kailan mo balak umuwi?" may-himig hinampong sabi nito kay Sir Roswell bago ito kumapit sa leeg ng binata at humalik sa labi nito? Teka, teka, teka, ba't may ganitong eksena?
At hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong nainis. Naiirita ako sa nakikita ko pero ayokong ipahalata sa kanila kaya napayuko na lang ako.
Agad namang kumalas si Sir sa babae at saka ako hinarap.
"Ah, Ms. Peng..."
"Sir Park," napalingon ako ulit sa tawag nito.
"I'd like you to meet, Ms. Jenny Simons. Isa siya sa mga board of directors ng Park-Smith Corporation. Jen, si Ms. Peng, my new secretary." pakilala nito sa aming dalawa habang matiim na nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at binati ang babaeng katabi niya.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...