Chapter 3

116 18 5
                                    

Napabalikwas  ako ng bangon  dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng silid ko.

"Lady Soo Ah, magandang umaga po. Pinapatawag po kayo ng inyong Ama sa kanyang opisina."

"Ha, ng Ama ko? Teka, wait. Hintayin mo ko sa labas. Magbibihis lang ako," may pagmamadaling turan ko kay Min Young. Nagsaliksik ako kagabi mula sa nga notes ni Peng Soo Ah at doon ko nalaman na Peng pala ang apelyido ko, tapos Soo Ah ang name ko. Putragis na iyan. Akala ko ay Ah ang apelyido ko. Baligtad nga pala sa mga Korean pero bakit kaya laging Peng ang tawag sa akin ni Rizal? Kaasar ah, gano'n niya ba ako hindi ka-gusto kaya masyado siyang pormal kahit sa pagtawag sa akin? Napasimangot ako sa naisip. Gano'n pala, ah. Pwes, mula ngayon ay Kamahalan na ulit ang itatawag ko sa kanya.

Nalimutan kong sabihin na nasa wikang Mandarin pala ang mga notes ni Soo Ah na nakapatataka ring nababasa ko na at naiintindihan.

At ayon din sa notes ni Soo Ah ay nalaman kong ang ama niya ang pinakamataas ng opisyal sa palasyo. Kaya kahit na nasa batas na bibigyan ang lahat ng pagkakataon ang mga dalagang nasa aristokratang pamilya para makasama sa pagpili ng susunod na mapapangasawa ng Crown Prince ay hindi raw ganoon ang nangyari. Nangyari ang pagpili pero naging usapan sa buong palasyo na dinaya ng punong opisyal ang naganap na botohan kaya napawalang-bisa ang pagpili kay Soo Ah bilang susunod na hihiranging asawa ng Crown Prince. Putragis, akala ko ay ang Crown Prince ang mag-dedesisyon no'n? At teka, kaya ba sinabi ni Rizal na pumapayag na siyang maikasal sa akin dahil simula pa lang ay nakansela naman ang pagpili sa akin? At ano ba iyong pinakalat ko raw na maling impormasyon tungkol sa kanya kaya bigla siyang nagbago ng pasya? Marami pa rin akong tanong na hindi malinaw sa mga notes ni Soo Ah kaya kailangan kong makausap si Father este ang aking Ama.

Paglabas ko ay nag-aabang na sa akin si Min Young. Nginitian ko na lang siya at kunwari'y pinaunang maglakad papunta sa opisina ng aking Ama. Hindi niya pwedeng mahalata na hindi ko kabisado ang bahay na ito dahil walang pwedeng makaaalam na nagpapanggap lang ako. Hindi ko pa alam kung sino ang kakampi at kaaway ni Soo Ah rito. Pero naniniwala akong mayroon siyang gustong ipagawa sa akin kaya ako nakarating sa panahon niya. Tumigil kami sa isang malaking pintuan na nasa ikalawang palapag ng bahay na iyon.

"Ama, si Soo Ah po ito," magalang sa sabi ko mula sa labas.

"Pasok ka,"

Marahan akong pumasok sa loob. At bahagyang yumukod sa kanya bago tuluyang umupo. Mabuti na lang talaga at mahilig din akong manood ng mga historical K-drama kaya medyo may idea ako kung paano ang galawan nila dito.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Nabalitaan ko na dinalaw ka ng Kamahalan kagabi sa iyong silid. Mabuti naman at mukhang nagkakaigihan na kayo," nakangiting sabi nito.

"Ah, kinumusta niya lang po ang pakiramdam ko. Nabanggit ko kasi na nadulas ako sa batuhan sa may ilog ng Han kaya medyo sumasakit po ang ulo ako pero mabuti na po ang pakiramdam ko, fathe— este Ama,"

"Hmm, mukhang napaigi pa ang disgrasyang natamo mo, Soo Ah. Balitang-balita sa buong palasyo ang pag-aalala sa iyo ng Kamahalan. Sa palagay ko ay unti-unti na nilang napag-iisipan na walang basehan ang pagkansela ng kasal niyo ng Kamahalan."

"Pero Ama...May ginawa ba talaga kayo sa botohan nangyari?" seryosong tanong ko rito.

"Hahaha, huwag mong sabihing pati ikaw ay naniniwala? Alam mo ang lahat ng plano ko Soo Ah. O baka naman nahuhulog na rin ang loob mo sa Kamahalan?"

"Ah, hindi po. Alam ko po ang plano mo, at iyon ay ang pabagsakin ang Pamumuno ng mga Park."

Sa totoo lang ay hula ko lang ang sinabi ko pero navi-vibes ko talaga base na rin sa aurahan ni father na may pagka-bad official talaga siya.

Marrying Rizal Park [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon