Chapter 7

95 13 0
                                    

Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa dumating ang araw para sa pagpili ng magiging asawa ng Kamahalang Park Ryong Zae at ang magiging susunod na Reyna ng Joseon.

Pero bago dumating ang araw na iyon, ay palihim kong pinuntahan ang silid ni father para silipin ang listahan ng  mga pangalan ng kadalagahang isasali sa pagpili.

At halos malaglag ang panga ko nang makita ang pangalan doon ni Lady Shin Jin Ah. Teka, bakit kasama siya? Akala ko ba ay hindi siya nakasama noon dahil sa hindi naman kilala ang pamilya niya pero bakit ngayon ay nandito na ang pangalan niya?

Bigla akong kinabahan sa nalaman ko. Kung tutuusin ay halos nawala na nga sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Bo Ram tungkol sa masamang kutob niya laban sa mangangamot na iyon. Pero bumalik lahat iyon nang makita ko ang pangalan nito sa listahan. Bakit? Alam ba ito ni Rizal?

Gusto kong makausap si Rizal bago sumapit ang kinabukasan kaya nagpadala ako ng sulat kay Min Young para ipadala sa tagapaglingkod ng palasyo at para palihim itong maipasa  kay Eunuch Wang.

Ito ang nilagay ko sa sulat.
——————
Kamahalan,

Maaari ba tayong magkita ngayong gabi? May gusto  lang akong itanong sa iyo. Magkita tayo sa tulay na malapit sa bayan ng Hanyang. Hihintayin kita.

Lady Soo Ah
———————-

Ilang oras pa ay may dumating na sulat na mabilis na iniabot sa akin ni MinYoung bago ito lumabas ng silid.

————————
Aking Reyna,

Sige, magkita tayo mamaya.

Ang iyong Kamahalan,
Rizal.

—————
Sa unang pangungusap pa lang ng sulat na iyon ay hindi ko na maiwasang hindi kiligin. Putragis na iyan. Pakiramdam ko ay kampante na ako kahit hindi na kami magkita pa mamayang gabi. At kahit ganito ka parang ewan ang reply niya ay hindi ko pa rin maiwasan ang sarili kong kiligin sa endearment na tinawag niya sa akin. Syet! Ba't ka ba kasi ganyan Kamahalang Rizal? Ang galing mo magpakilig.

********

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas at nagtungo sa sinabi kong tagpuan namin ni Rizal at nang dumating ako ay nakita kong naghihintay na siya sa akin.

Hindi niya suot ang Royal Hanbok niya katulad ng inaasahan ko pero napansin ko agad ang ilang mga taga-paglingkod ng palasyo na nakabantay sa di- kalayuan.

"Sorry kung nahuli ako ng dating," hinging paumanhin ko agad dito.

"Okay lang. Hindi naman ako naghintay nang matagal. Kumusta ka na?" Iginiya niya akong maupo sa bangkong yari sa bato na nasa gilid ng tulay.

"Okay lang naman ako, Kamahalan."

"Hmm, Good. Am, ano pala iyong gusto mong itanong sa akin?"

"Ah, kasi nakita ko kanina ang listahan ng mga dalagang kasali sa pagpili. Napansin ko na kasama roon ang pangalan ni Lady Shin Jin Ah?  Wala naman. Ang akala ko lang kasi ay hindi siya kasali sa gaganapin bukas," nahihiyang tanong ko sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng labi niya bago ako tuluyang nginisihan nito kaya lalo na akong nailang. Syet, ba't kasi naitanong-tanong ko pa iyon?

"Ako ang nagsali sa kanya, Peng. Bakit, ayaw mo ba?" nakangising tanong nito sa akin.

"Hindi sa gano'n. Pero bakit? Hindi kilala ang pamilya niya kaya mabuti at pinahintulutan ito ng mga Opisyal ng Palasyo?" mahinang tanong ko ulit dito.

"Hmm. Tama ka. Pero ako ang nag-insist na isali siya, Peng."

"Gano'n ba? Ah, sige. Iyon lang naman ang gusto kong malaman, Kamahalan. Sige na. Magpapahinga na rin ako at siguradong magiging mahaba ang araw natin bukas," nakangiting sagot ko na lang dito. Pero pakiramdam ko ay parang tinusok ang puso ko sa sagot niyang iyon at hindi ko maintindihan kung bakit.

Marrying Rizal Park [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon