Dumating ang araw ng Royal Wedding namin ni Rizal. Katulad ng inaasahan naming mangyari ay hindi dumalo sa pagdiriwang na iyon ang Mahal na Reyna at si Lady Jin Ah. Pero nakakagulat na ang lahat ng mga opisyal ng palasyo ay nakiisa sa pagdiriwang kahit na ang mga kapanalig ng Mahal na Reyna.
Ipinasuot sa akin ng mga taga-paglingkod ang Royal Wedding Gown at pagkatapos ayusan ay lumabas na ako ng bahay. Pasakay na sana ako ng palanquin na maghahatid sa akin sa main palace. Pero bago pa ako makasakay roon ay natanaw ko ang pagdating ni Rizal sakay rin ng kanyang palanquin. Bumaba siya rito at lumapit sa akin.
"Akala ko ay doon na tayo magkikita," nakangiting bati ko sa kanya.
"Wala lang, para maiba naman. At isa pa ay gusto kong ako ang maunang makakita sa iyo, Aking Reyna," Namula naman ako sa sinabi niya at dahil na-speechless na naman ang lola niyo ay wala na akong ibang nasabi. Nginitian ko na lang siya ng buong tamis. Inalalayan niya akong sumakay sa palanquin at ng makasakay na rin siya ay sabay ding umandar ang mga palanquin namin hanggang sa makarating sa tapat ng main palace.
Nagsimula ang mahabang seremonyas ng kasal. At pagkatapos ng seremonyas na tumagal din ng isang oras, akala ko ay tapos na. Kaya nagulat pa ako ng pinatunog nang ubod-lakas ang tambol sa buong palasyo.
Iyon pala ay magkasabay ding inutos ng Kamahalan na pagkatapos ng kasal namin ay agad na isasagawa ang pagpuputong ng korona sa akin. Ang seremonyas na magpapakilala sa akin bilang ganap na Reyna ng buong Joseon.
Kahit na nabigla ako sa nangyayari ay pilit kong inayos ang sarili ko. Bahagya akong yumukod para tanggapin ang korona na ipinutong sa akin ni Lady Ryka. Siya ang tiyahin ng Kamahalang Ryong Zae at naging representative ni Reyna Eun Jung dahil sa hindi ito sumipot. Pero kasabay ng pagpuputong nito sa ulo ko ay isang itim na palaso ang mabilis na bumulusok sa harapan ko. Hanggang sa tuluyan ng nagkagulo sa buong palasyo.
"Narito ang mga taga-paslang! Magsipaghanda kayo! Protektahan ang Mahal na Hari at si Reyna Soo Ah!" narinig kong sigaw na utos ng Punong Heneral.
Sunod-sunod na palaso ang tumama sa kinatatayuan namin. Pero dahil sa naging maagap ang mga kawal ay hindi ako natamaan. Isang kamay ang marahas na humatak sa akin at mabilis kaming umalis sa lugar na iyon.
"Rizal,"
"Hindi ko alam na may ganitong banta. Bakit hindi niyo binantayan ang seguridad sa buong palasyo? Hulihin ang lahat ng mga taga-paslang na nakapasok!" galit na sabi ni Rizal sa punong Heneral habang mahigpit na nakahawak ang isang kamay niya sa akin.
"Masusunod, Kamahalan," maiksing sagot nito.
"At isang bagay pa, Heneral Mino. Arestuhin mo ang Inang Reyna at si Lady Jin Ah. Ito ang mahigpit kong utos sa salang pagsabotahe sa mahalagang kasalan sa palasyo," seryosong turan nito na ikinatango lang ng Punong Heneral bago umalis.
"Rizal, valid ba iyong gano'ng krimen? Baka lalong magalit sa iyo si Reyna Eun Jung,"
"Wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Malakas din ang kutob ko na sila ang may pakana ng pag-atake kanina. Peng, kunin mo ang pagkakataong ito para makapasok ka sa bahay ni Eun Jung."
"Ngayon na ba? As in now na?"
"Hmm. Masyadong mabilis din ang mga pangyayari. Kaya kailangan na nating kumilos. Sinabi mong naghahanap ka ng ebidensiya laban kay Jin Ah, 'di ba? Sa tingin ko ay ito na ang magandang pagkakataon para makapasok ng silid niya."
"Naiintindihan ko. Sige, gagawin ko."
Naghintay pa kami nang mahabang sandali hanggang sa bumalik si Heneral Mino at sinabi niyang nasupil na nila ang mga taga-paslang at nakapalibot na sa buong palasyo ang mga kawal para bantayan ang seguridad namin. Papunta na rin sa bahay ni Reyna Eun Jung ang mga tauhan na inatasan niya para arestuhin ito at si Lady Jin Ah.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...