Maaga akong nagising kinabukasan. Tahimik akong lumabas ng bahay habang tulog pa ang iba. Hindi ko na rin ginising si Min Young. Sa tantiya ko naman kasi ay kaya kong makabalik ng bahay sa loob ng dalawang oras mula sa talampas na pinuntahan namin ni Rizal kagabi. Kaya nandito na ako ulit bago pa sila magising lahat. Hehehe. Tama kayo ng iniisip. Pupunta ako roon at kukunin iyong diamond ring na binaon ni Rizal sa gilid ng puno.
Tahimik kong tinahak ang daan papunta sa lugar na iyon. At pagkalipas nga ng isang oras ay natanaw ko na ang puno. Mabilis kong hinukay ang diamond ring at nang makuha iyon ay pinagmasdan ko itong mabuti.
Hindi naman masama ang ginawa ko. Itinapon na niya ito at nanghinayang lang ako. Ibebenta ko na lang kung ayaw niya na. Isa iyong klase ng blue diamond ring. At sa tanda ko, base sa kwentuhan nila Sabel ay umaabot ang halaga nito sa two hundred thousand dollars kung isa nga itong one carat blue diamond. Hindi ako masyadong magaling tumingin ng alahas pero malakas ang kutob ko na hindi ito peke.
Nang makuha ito ay maayos ko iyong ibinalot at itinago sa bulsa ko. Tinanaw ko ang maliwanag na bayan ng Hanyang mula rito. Hays, napakaganda talaga ng buong kapaligiran mula rito. Kitang-kita ko ang lahat. Pero paalis na ako sa lugar na iyon nang makita ko ang mabilis na takbo ng mga kabayong papunta sa bayan ng Hanyang na sa tingin ko ay parang galing sa palasyo?
Sinundan ko ng tingin ang tinatahak nito. At doon ko nakita ang lugar na parang nasusunog. Teka! Malapit ito sa bahay namin, ah! Bigla ang pagkabog ng dibdib ko.
"Putragis na iyan! Anong nangyayari? At bakit ako kinakabahan nang ganito?"
Mabilis akong umalis sa talampas at halos lakad-takbo ang ginawa ko para lang makauwi sa bahay namin.
******
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok ni Eunuch Wang bago ito mabilis na pumasok sa silid ko. Sa totoo lang ay wala pa akong masyadong tulog dahil malalim na ang gabi nang maihatid ko si Peng sa bahay nila.
"Kamahalan, gumising kayo! Kamahalan!" natatarantang sabi nito na bahagya pa akong niyugyog.
"Ha? Bakit anong nangyayari?"
"Kamahalan! Masamang balita, palihim na narinig ni Eunuch Jung na sasalakay ang mga tauhan ng mahal na Reyna sa bahay ng mga Peng. At aarestuhin nila ang Ama ni Peng at ang buong angkan nito dahil sa salang pagnanakaw ng malaking pondo sa Kagawaran ng Pandigma at sa iba pang pondong nakalaan para sa bayan ng Hanyang!"
"Ano? Hindi pwedeng mangyari iyon! Si Peng! Kailangan ko siyang puntahan! Sabihan mo si Heneral Mino na ihanda ang mga kawal. Lalabas tayo ng palasyo ngayon din!" matigas na utos ko rito.
Mabilis akong lumabas ng silid ko at nagdire-diretso sa bahay ng Inang Reyna na ni hindi ko na nagawang kumatok pa at humingi ng permiso sa biglang pagpasok ko roon. Halatang nagulat ito base sa hitsura nito nang mabilis akong pumasok sa silid nito pero wala na ako sa tamang huwisyo. Pakiramdam ko ay gusto kong saktan ito kahit na babae pa ito. Hindi na rin ako nagulat nang makita ko si Lady Jin Ah sa loob ng silid niya.
"Kamahalan, ano itong ginagawa mo? At humahangos kang napasugod dito," tanging nasabi ng Reyna at sinalubong ang matalim kong tingin sa kanya.
"Sinong nagbigay sa iyo ng karapatang magbaba ng utos na arestuhin ang Pamilya Peng?" dumadagundong na sigaw ko rito. Pakiramdam ko ay nakalimutan ko na rin kahit ang salitang paggalang dahil sa mga sinabi ko.
"Ano bang nangyayari sa iyo, Anak? Hindi natin kapanalig ang pamilya Peng kaya bakit ka nagpapakita ng simpatiya sa kanila? Ginawa ko lang ang nararapat at sapat ang mga ebidensiya ko laban sa mga ginawa ni Peng So Hyun kaya wala ka ng magagawa, Kamahalan. Hindi mo maaaring salungatin ang batas ng paglilitis," may-riin ding turan nito.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...