Pagkatapos ng gabing iyon ay biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Sir Roswell. Hindi na niya ako madalas utusan. Pakiramdam ko tuloy ay parang halos wala na rin akong ginagawa sa buong araw. Pero madalas niya akong isama sa mga board meeting at syempre ay tinuruan na niya ako ng tamang pagta-take down ng mga memos. Hehehe. Naninibago ako sa treatment na pinapakita niya pero ayokong bigyan iyon ng malisya. May girlfriend si Sir Roswell at regular din ang paglabas nila. Lagi kasi siyang sinusundo ni Ms. Jenny sa opisina niya at sabay silang naglu-lunch.
Alam kong asar pa rin sa akin si Ms. Jenny. Patunay ito ng mga pag-irap niya sa akin kapag kami lang dalawa ang naiiwan sa room. Pero hindi ko na lang iyon inintindi. Nag-focus na lang ako sa trabaho ko. Isang buwan na lang naman ay aalis na ako dahil magsisimula na ang klase ko. Sapat na iyong naipon kong pang-tuition fee para makapagpatuloy.
Pero isang araw ay may ginawa ako na ikinagalit sa akin ni Sir Roswell nang husto. Bigla kong naalala kasi na ngayon na pala ang debut ni Tina. At kung hindi pa ako tinawagan ng gaga ay hindi ko iyon maaalala. Seven pm ang umpisa ng party niya pero dahil sa wala pa akong regalo at maisusuot para sa araw na iyon ay nag-alala talaga ako.
Kailangan kong magpaalam kay Sir Roswell para makauwi nang maaga.
Kumakatok pa lang ako sa pintuan ng main office niya ay narinig ko na agad ang galit na boses ni Sir Roswell habang may kausap ito sa phone. At katulad ng inaasahan ko ay sumalubong sa akin ang madilim na anyo niya pagpasok ko.
"Sir Roswell?"
"What?" malamig na tanong nito. Kinabahan ako sa nakita kong hitsura niya kaya bigla na lang umurong ang dila ko sa sasabihin ko sana.
"Peng, marami akong iniisip ngayon. Kaya kung may sasabihin ka ay sabihin mo na," iritableng dugtong pa nito bago muling hinarap ang laptop niya.
"Ah, wala po Sir. Natapos ko na po iyong files na pinapa-submit niyo kay Mr. Chavez," tanging nasabi ko na lang dito.
Tinaasan lang ako nito ng kilay bago ito matabang na nagsalita. "O, tapos? Ano ng gagawin mo?"
"Ibibigay ko na po sa—sa kanya," nauutal na sagot ko rito.
"Tss. Alam mo naman pala kung anong gagawin. Hindi mo na kailangan sabihin sa akin iyan. Aist!" asar na sabi nito bago pinagpatuloy ang ginagawa.
"Sorry po."
Tahimik na lang akong lumabas ulit ng silid. At ang nakakainis pa ay dahil hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Putragis na iyan. Kailan pa ako naging sensitive sa mga sinasabi niya? Siguro ay nasanay lang ako sa mabait niyang trato sa akin kaya nakalimutan ko na any moment ay pwede uli siyang mag-sungit sa akin nang ganito. Hays.
Kaya nang lumabas si Sir Roswell sa opisina niya ay nagpanggap na lang akong abalang may hinahanap sa drawer ng kabinet.
Ayoko siyang harapin. Ewan ko ba, naiinis ako at gusto kong mag-inarte sa kanya ngayon.
"Peng, Sheena. I need to go to Park Realty. May emergency meeting kami. And please cancel all my appointments for today, Ms. Sheena," narinig kong utos ni Sir Roswell dito.
"No problem Sir," sabi ng dalaga bago ito lumabas ng silid. Si Sheena nga pala ang isa pang secretary na hinire ni Sir para may katulong ako sa mga paperworks na pinapa-submit niya sa kung kani-kaninong mga board of Directors. Kaya nagtataka rin ako kung bakit sila ni Aira ang magkatabi ng office na nasa labas pa ng silid ko gayong kung tutuusin ay parang magkaparehaas kami ng line of work ni Sheena.
"Peng..."
Naramdaman ko ang paglapit niya mula sa likuran ko. Pasimple akong humarap sa kanya at nagpanggap na busy sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Narrativa StoricaAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...