Pagkatapos naming magpakita ng mga special talent ay bumalik na kami ulit sa unang bulwagan kung saan i-aanunsiyo ng tagapagsalita ng palasyo kung sino ang napili ng mga Opisyal at ng buong Royal Family.
Pang-apat na binanggit ang pangalan ni Lady Jin Ah na nakakuha ng pitong boto galing sa Opisyal ng palasyo at dalawa galing sa Royal Family kaya sigurado na ako kaaagd na si Lady Jin Ah ang binoto ni Rizal at ng Mahal na Reyna. Parang nawalan na rin tuloy ako ng ganang pakinggan pa kung ilang boto ang nakuha ko.
"At para naman kay Lady Peng Soo Ah, siya ay nakakuha ng walong boto mula sa mga Opisyal ng palasyo. Kaya kung susumahin ang lahat ng puntos, ang nakakuha ng pinakamaraming boto ay si Lady Shin Jin Ah!" malakas na pahayag ng taga-pagsalita.
Laglag ang balikat ko sa narinig na desisyon pero bago pa ako tumayo para umalis sa lugar na iyon ay narinig ko ang boses ni father na mahigpit na sumalungat sa naging desisyon.
"Kamahalan, bawiin niyo po ang inyong resulta. Sa palagay ko ay hindi nararapat si Lady Jin Ah sa posisyon. Hindi siya nabibilang sa aristokratang pamilya. Maaaring masira ang magandang reputasyon ng palasyo kung siya ang hihirangin," salungat ni Father na sinegundahan din ng iba pang opisyal.
"Huwag niyo pong ipahintulot, Kamahalan!" sabay-sabay na koro ng iba pang Opisyal na kapanalig ni Father.
"Tama ka, Peng So Hyun. Isinaalang-alang ko rin ang iyong mga sinabi pero sa umpisa pa lang ay sumang-ayon ang lahat na makasama siya sa pagpili. At sa mga kasama niyo rin naman nanggaling ang mga boto, tama ba ako? Kaya walang basehan para ipawalang-bisa ang resulta," maotoridad na sabi nito na ikinatahimik na lang ng lahat.
Sumulyap ako sa kanya kaya nahuli ko pang nakatitig rin pala siya sa akin bago siya kumindat? Teka tama ba ako ng nakita? Problema nito?
"Pero hindi naman ibig sabihin ay tapos na ang botohan," dagdag ni Rizal habang nakatingin sa akin bago sumulyap kay Lady Jin Ah na nasa bandang kaliwa ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin, Kamahalan?"
"Hindi ko pa naibibigay ang boto ko at ang pinal na desisyon ay sa akin pa rin manggagaling."
Napatingin ang lahat sa sinabi ni Rizal. Bakas sa lahat ang pagkagulat lalo na sa sumunod nitong sinabi.
"Ang boto ko ay ibibigay ko kay... Lady Peng Soo Ah. Siya ang pinipili kong maging asawa at ang hihiranging Reyna ng buong Joseon," pinal na sabi nito. Tumayo ito sa kanyang trono at lumapit sa akin.
"Pag-aralan mong mabuti ang Inang Reyna," mahinang anas nito pagkalapit na halos hindi ko na narinig.
"Ha?" Pero hindi na niya ako sinagot. Kaya napapitlag pa ako nang inabot niya ang kamay niya sa akin at inalalayan akong tumayo. Inakay niya ako papunta sa harapan kung saan nakaupo ang Mahal na Reyna na halatang hindi rin makapaniwala sa nangyayari.
"Inang Reyna, alam kong hindi niyo nagustuhan ang aking pasya pero gusto kong si Lady Soo Ah ang maging katuwang ko sa pamumuno ng buong Joseon. Ibigay niyo po ang basbas sa kanya," magalang na sabi nito.
Kahit na nalilito ako ay nagpatianod na lang ako sa sinasabi nito. Palihim kong sinuri ang Mahal na Reyna ayon sa utos nito.Ito siguro iyong dahilan kaya niya ako kinindatan kanina. Nagbigay pugay ako sa mahal na Reyna bago ito nagsalita.
"Hindi ko alam kung paano mo binilang ang boto para masabing siya na ang iyong pinili, Mahal kong Anak. Kung titingnan natin ay patas ang boto nilang dalawa. Siyam na boto kay Lady Jin Ah at siyam para sa kanya. Magiging hindi patas ang desisyon mo kung siya ang pipiliin mo agad," mahinang turan nito habang nakatingin sa akin.
"Pero Ina, gusto ko sanang sa pagkakataong ito ay ako naman ang magkaroon ng kapangyarihan para pumili ng gusto kong maging katuwang sa buhay," giit ni Rizal dito.
BINABASA MO ANG
Marrying Rizal Park [COMPLETED]
Historical FictionAko si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, b...