Chapter 4

31 2 6
                                    

Pleiades' POV

Isang linggo na ang nakalipas matapos magconfess si Elton sa'kin. Natatandaan ko pa kung paano siya manlumo nung sabihin ko na hanggang kaibigan lang ang kaya kong maibigay sa kanya. At hanggang do'n lang 'yon.

Nasabi niya 'rin sa'kin na 'pag kailangan ko siya ay maaasahan ko siya. At nakikita ko na sinsero siya sa mga sinabi niya no'n. Matapos ang isang linggo ay kinakabahan pa'rin ako na baka ay iba na ang pakikipag-halubilo niya sa'kin dahil sa nangyari.

Lunes ngayon kaya mas inagahan ko pa. Alas-sais pa ngayon, masyado pang maaga.

Katulad ng dating gawi, sumakay ako ng motorcab at nagpahatid sa eskwelahan.

Nang marating konang eskwelahan ay hindi pa masyadong matao. Pero may mangilan-ngilan 'ring tulad ko na maagang pumasok.

Dumeretso ako sa classroom namin at doon na nagpaantok ulit. Inilagay ko ang pareho kong braso sa mesa at doon ko inilagay ang ulo ko.

Dahan-dahan na akong kinain ng matinding antok. Naramdaman ko nalang na may yumugyog sa balikat ko kaya ako nagising. Nagmulat ako ng mga mata ko at nakita ko si Belle. Mukhang kinakabahan. Kinunotan ko siya ng kilay. Nilingon niya ang gawi ng teacher's table.

"Ms. Lavigne, if you're here to sleep, you better go to your home" istriktong sabi ng guro. Umayos ako ng upo at nag-stretching habang nakatingin sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng pinaikot ang mata ko.

Naaasar na'ko sa guro'ng 'to. Nung nakaraan pa siya mainitin ang dugo, lalo na sa'kin.

Mayamaya pa ay in-announce na ang pagla-line up para sa flag ceremony sa roadway. Nagsipagtayuan pa kami ng mga kaklase ko at pumunta na sa hallway at nag-line up.

Pinakahuli kami nang pinababa dahil malayo kami sa stairs.

Nang marating namin ang roadway ay nagsimula na ang flag ceremony. Hindi lang ang National Anthem ang kinakanta, meron din kasing 'yong sa eskwelahan mismo. At matapos nun ay ang Panatang Makabayan at Ako ay Pilipino. Matapos nun ay maraming sinasabi sa microphone na announcements na hindi ko naman masyadong tinutukan.

Matapos nun ay bumalik na kami sa sarili naming mga classroom. Ngayong araw magsisimula ang regular na klase namin. Nung nakaraan kasi nagkaroon kami ng welcome ceremony dun sa arena ng mismong school.

Nagsimula na ang klase at nakikinig langa ko pero hindi ako sa guro nakatingin, kundi sa mga presentations niya na nagfa-flash sa TV screen habang ang mga kamay ay abala sa pagsusulat.

Matapos ng klaseng 'yon ay may sumunod na namang subject at pumasok na ang guro kaya naging hudyat sa pagsisimula ng klase, bago iyon mag-HRG at Recess.

Katulad kanina ay abala ako sa pagsusulat at pakikinig. Hanggang sa matapos ang klase. Nagsimula na ang aming HRG nang makarating na ang guro.

Wala silang ibang pinag-usapan kundi tungkol sa bulletin board namin at sinking fund na para raw sa Christmas Party.

Nag-voting tungkol sa amount ng iaambag ng bawat estudyante kada week na pinangunahan ng mayor, syempre si Reave na naman.

Marami ang bumoto sa fifteen pesos na sinking fund. Pero para sa'kin ay gastos lang 'yon, maari namang mag-ambag ng ten pesos para iwas gastos.

Mayamaya ay recess na 'rin. Nagsipaglabasan na ang mga kaklase ko. Isinama na ako ni Belle at katulad ng dating gawi ay um-order kami at kumain sa mga bakanteng mesa.

"Ayy, ang baho" biglang biro ni Patricia nang makarating si Cindy, nahuli kasi.

"Ha? Anong mabaho?" Nagtatakang tanong ni Cindy.

The Will Of The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon