Chapter 21

6 0 0
                                        

Pleaides'

Pagkasarado ng pintuan ng condo ko, agad akong naupo sa sahig. Parang nawalan ng lakas ang buong katawan ko matapos ang nangyari.

I miss him. A lot.

Pero kailangan ko rin na isipin ang kapakanan niya. Hindi sa lahat ng panahon yung nararamdaman ko ang palagi kong inuuna. Kanina sa pad niya, gusto ko siyang tanungin kung kumusta na ba siya.

Nadidisappoint ako kung bakit hindi niya sinagot ang tanong ko kanina sa kanya. Gusto ko lang naman marinig na mahal niya parin ako para naman maipaglaban ko ng maayos ang pag-iibigan namin.

Pero i know he has his own reasons.

Tumayo na ako at dumeretso sa kwarto ko at agad na napahiga. Tinawagan ko ang secretary ko  at hiningi sa kanya ang gusto ko. Maya maya lang ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pinindot ko ang button at nabuhay ang makina ng computer ko. Lumapit na ako dun at tiningnan ang sinend na email sakin ng secretary ko.

It was a copy of Reave's applicant's form na ginamit niya nung nag-apply siya sa NBI.

As i scroll all over the form nakita ko na nag-aral pala siya ng abogasya pero isang taon lang at nagpatuloy para kumuha ng propesyon sa pagiging investigator. If naging lawyer siguro siya, isa siguro siya sa pinakamagaling na abogado.

As i went down, nakita ko na he's still currently studying law again. Nangilid ang luha ko sa saya. It's always his dream na maging abogado. I don't know kung anong nagtulak sa kanya para maging investigator.

Hinanap ko ang cellphone number niya at tinext. Hindi ko rin alam kung ano ang nakain ko.

I type my message.

Thanks for the ride. ^_^

And hit send.

Maya maya lang ay biglang tumunog ang cellphone ko. I thought it was a reply from him pero hindi pala. It was from Elton.

Elton

Hi babe, sorry i was in the meeting kanina. And turned off my phone. I know ur sleeping na goodnight

Binura ko agad ang message niya at natulog.

Kinaumagahan, maaga akong papasok sa opisina kaya maaga rin akong bumaba ng building. Since my car broke, mag-cocommute ako ngayon. Hindi na ako nagsabi kay Elton na magpapahatid ako sa trabaho.

Laking gulat ko nang biglang huminto ang pamilyar na motor sa harapan ko.

"Good morning, that was a good ride right?" first time ko siyang marinig na naging mahangin. Sinuotan niya agad ako ng helmet sa ulo at pinasakay na.

Good heavens. I know it's not good to always wish  this pero sana naman araw araw na ito. I love this feeling. Being near and close to him.

"Ikaw yung nagtext sakin kagabi" he said at tumango lang ako. "I supposed ang sasabihin mo dapat, that was a good ride, pakisundo ako bukas please" he mimicks my voice. Natawa nalang ako sa ginawa niya.

"Don't wear heels next time. Masakit talaga sa paa yun" napangiti ako sa sinabi niya.

"But i need to wear something decent, you know. Hindi magandang nakaflat shoes lang ako. Hindi bagay sa uniform ko" i reasoned out.

"Tsk. Rules, rules, rules. Kaya nagkahiwalay tayo dahil sa rules na yan e. Let's break rules, and be happy again" alam kong may pagkasarkastiko yung sinabi niya but i can't help but laugh.

"Yeah" sagot ko nalang.

Pagkarating namin ay nagkahiwalay na kami ng daanan. Lumipas ang ilang oras ay pareho kaming naging busy. Lahat ay busy sa kaniya kaniyang trabaho.

The Will Of The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon