Chapter 3

34 3 4
                                    

Reave's POV

"At ikaw si Reave 'di ba?" Tanong niya sa nagugulat na boses.

Ngumiti ako at akmang sasagot na sana ako kaso biglang umugong ang malakas na sigaw ni Ate Emily. "Lei, halika na dito. Narito na ang mga magulang mo. Hinahanap ka," sigaw niya mula sa puno ng acacia. Nagtataka ko namang nilingon si Pleiades.

Ba't niya kilala si Ate Emily?

Sa pagkakaalam ko ay may pinagsisilbihan si Ate Emily na pamilya. Ilang taon na'rin bago pa kami makarating dito galing sa probinsya. May pamilya na si Ate Emily kaya umuuwi lang siya sa bahay nila kada gabi at bumabalik sa umaga.

Tinanaw ko sina Ate Emily. Dumidilim na kaya hindi ko na sila masyadong maaninag.
"Kuya, lulutuin na po natin ang fish ko!" Magiliw na ani Jeggy. Alam kong sobrang saya niya dahil nakahuli siya ng mas malaking isda kesa sa'kin.

"Sige iligpit muna natin ang mga bingwit, Jeggy" malumanay at nakangiti kong sabi kay Jeggy. Tumango siya kaya ginulo ko ang buhok niya.

Iniligpit ko ang mga ginamit namin ni Jeggy. Inilagay ko na 'rin sa loob ng malaking balde ang isdang nahuli namin.

Dahan-dahan kaming naglakad papauwi sa bahay. Pagkarating namin ay nandun na si Papa na nagkukumpuni pa'rin ng mga sasakyan. Meron kasi akming maliit na talyer, dahilan kaya kami ay lumipat dito sa siyudad.

"O, anak marami bang huli?" Tanong ni papa na ang atensyon ay nasa sasakyan na kinukumpuni pa'rin.

"May malaki pong nahuli si Jeggy papa, siya po mismo ang nakahuli" nakangiting pagpapagilas ko sa nahuli ng kapatid ko.

"O siya, ipaluto mo na 'yan sa mama mo" sinulyapan niya kami at bumalik sa ginagawa ang atensyon.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at ibinigay kay mama ang nahuli naming isda. Masyadong natuwa si mama nang ipagilas ko sa kanya ang nahuli ng kapatid ko. Ang gusto kasi nina mama at papa ay 'yong may matutunan kami, 'yon bang matututo na kaming maghanap ng sariling makakain at hanapbuhay.

"O, Jeggy may ibigay ako sa'yo" sabi ko sa kapatid ko.

Nasa ikaapat ba baitang na ang kapatid ko. At ang gusto ni mama sa kanya ay ang maging doktor paglaki at ako naman ay abogado.

Parehong propesyonal sina mama at papa, si mama ay isang nurse at si papa naman ay naval architect noon pero tumigil siya nang maaksidente siya. Nabagasakan kasi siya ng malaking kahoy na ginagawa sa mga barko, lantsa at barge. Pinatigil siya ni mama dahil ayaw ni mama na mangyari uli 'yon. Nangyari kasi iyon nung inenspeksyon ni ang loob ng barko at ang panlabas at aksidenteng ang isang tauhan ay nabitawan ang mabigat na kahoy kaya dumapo iyon kay papa.

Ibinigay ko sa kapatid koa ng natitira kong pagkain. Nakangiti siyang tinanggap iyon at kinain habang pumapadyak padyak pa ang maliliit na biyas sa sahig.

Simple at payak na pamumuhay. 'Yan ang gusto ni mama pagkarating namin dito.
'Yon bang makakakain kami sa isang araw ng tatlong beses at makapag-aral kami ng kapatid ko sa prestihiyosong eskwelahan dito.

"Anak, dali na kayo dito, kakain na" tinawag na kami ni mama, isinama ko na si Jeggy sa hapag kainan. Nadatnan namin doon sina mama at papa na naglalambingan.

Inasikaso ko ang kapatid ko, para hindi na 'rin makita ang paglalambingan nila. Ganyan talaga sila, mahal nila ang isa't isa.

Habang kumakain kami ay nasa pagkain lang ang atensyon ko. Gusto ko nang makitang ganun sina mama at papa. Ayoko nung sila ay mag-aaway, madadamay pa kami ni Jeggy.

Matapos naming kumain ay ako ang naatasan na maghugas ng mga pinggan. Matapos nun ay naligo na ako bago matulog.

Umakyat na ako sa kwarto ko para sana matulog. Ilang beses na akong nagpakanan-kaliwa ng pwesto sa pagtulog pero hindi ako makatulog. Binabagabag ako ng nakita ko kanina. Sobrang dami ng tanong na nabubuo sa isip ko.

The Will Of The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon