Pleiades' POV
Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Hindi ko inaasahan na makita ko siya. At dito pa talaga!
Wala akong pinagsabihan ng address na 'to, tanging pamilya ko lang at si Ate Emily.
"H-Hi, tapos na pala kayo?"bati niya ng nakangiti.
Pilit din akong ngumiti kahit nalilito. "Ah, bago lang. Nag-extend kasi ng thirty minutes" sabi ko at tumabi sa kanya. Mga ilang dipa lang ang layo namin sa isa't isa. Siguro mga anim na dipa.
"So, anong sadya mo rito?" Tanong ko.
"Ah," itinaas niya ang plastic bag na dala.
"Ano yan?"takang tanong ko.
"Pagkain. Kakain tayo" sabi niya at ngumiti ng matamis. "Sa'n yong canteen nyo dito?"
"Maraming tao ngayon sa canteen. Dun nlang tayo sa garden sa likod. Walang tao ngayon dun" sabi ko.
Tumayo na kami sa pagkakaupo at umuna na ako sa paglalakad at gumiya sa daan papuntang garden.
Nang marating na namin ang likod ay unupo na ako sa gazebo. Malamog ang simoy ng hangin. Napapalibutan ang lugar ng matataas na puno kung saan nasa lilim niyon ang gazebo na tinutuluyan namin ngayon. May mga bulaklak na iba iba ang kulay. Nakakarelax ang lugar. Hindi nakakasawa. Kapag mabigat ang loob ko ay dito talaga ako tumutuloy.
Nilingon ko si Reave. Abala siya sa paglalapag ng mga pyrex na may laman na mga ulam at kanin. Napangiti ako nang makita na mga paborito ko ang nandun. Ampalaya na may itlog, daing na pinrito, at escabeche na tilapya.
Teka, parang may natandaan ako sa isda.
"Nasa'n yong nakuha kong isda?" Tanong ko na ikinalingon niya sa'kin. Ngumiti siya at naglagay ng plato, kutsara at tinidor sa harapan ko.
"Teka lang, ipapatikim ko 'yun sayo" sabi niya at ngumiti.
Hinainan na niya ako ng kanin at ampalaya. Binuksan na din niya ang takip ng pyrex at kinuhaan ako ng isda.
"Oh, ayan. Escabeche, specialty pa yan ng lola ko. Recipe niya yan" ngumiti siya. Nakakatakam ang masarap na amoy ng mga ulam.
Kumain na agad ako. At oo nga! Sobrang sarap ng mga ulam! Kumuha ako ng daing at kumain din nun. Napansin kong hindi siya kumikibo.
Mukhang naging abala din ako sa pagkain. Tiningnan ko siya, nakatingin lang siya sa'kin. Bahagyang nakangiti. Tiningnan ko ang plato niya at napagtanto kong wala iyong laman. "Woi, kumain ka na. Lalamig yong ulam at kanin" untag ko sa naglalayag niyang utak.
"Ah, sige" kumuha na siya ng ulam at kanin at sinimulan nang kumain.
Nabulunan ako kaya kaya napakasakit ng dibdib ko. Hinampas hampas ko ang mesa dahil sa sakit. Nagmadali siyang kapain ang paper bag na nasa tabi niya at inilabas doon ang isang bote ng chocolate drink.
"Heto," inabot niya 'yon sa'kin.
Ininom ko agad yon at buti nalang, naging okay rin. "Dahan dahan lang kasi sa pagkain. Nabulunan ka tuloy" sabi niya. At may kinuha na naman sa paper bag. "Oh, eto tissue" ianbot noya sa'kin ang isang box ng tissue.
Kumuha ako ng isa at pinunansana ng bibig ko. "Salamat" sabi ko at bumalik na sa pagkain.
Nang matapos na kami ay napahawala ako sa tiyan ko, busog na busog ako. Matagal na rin kasi nung huli akong makakain ng mga paborito ko.
"Ah, salamat at nabusog din ang patay-gutom" sabi niya ng pabulong pero hindi siya sinuwerte dahil dinig na dinig ko 'yon.
"Ha? Anong patay-gutom? Craving ang tawag dun. Nung isang araw ko pa to gustong kainin, ikaw lang talaga ang nahuli" sabi ko at binelatan siya.

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
De TodoDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...