Chapter 12

13 2 1
                                        

Pleiades' POV

"Wow 'te ah, wow" bulalas ni Belle. Nandito kami ngayon sa dorm at kumakain ng lunch. "Grabe ah, may pabigay-bigay pa ng tubig si Mr. Winchester sa'yo" sabi niya pa at tinaasan ako ng kilay.

"Oo nga, magkaano-ano ba kayo?" Wala sa sariling tanong ni Cindy.

"Kaibigan ko siya" sabi ko at tiningnan siya.

"Weeh, eh bakit parang higit pa dun?" Pang-aasar ni Patricia.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Baling ko sa kanya.

"I mean, diba sabi mo magkaibigan lang kayo? Bakit iba ang nakikita ko sa mga mata mo?" Tanong niya pa at nilapitan ako.

"Nagkakasundo kami eh" sabi ko at bumalik na sa pagkain.

"You're not answering th question" sabi niya at umirap.

"Luma-lablayp na kasi ang lola niyo, porke't gurang na, sinusulit ang panahon" pabirong ani Belle.

"Hindi ah, pare-pareho lang naman tayo ng edad ah" pagtatanggol ko sa sarili ko.

Kaya ayun, tumigil na rin sila. Tinapos na namin ang pagkain namin at umalis na ng dorm.

Dumeretso kami sa classroom namin, ini-stop na kasi ng mga SG officers ang student line-up kada 1 pm.

Nang marating namin ang classroom ay nandun na ang mga barkada nina Reave. Nalaman ko na din na ang pinaka close sa magbarkada ay silang dalawa ni Elton.

Umupo na ako sa upuan ko. Nagbasa ako ng libro na hiniram ko lang naman sa library kaninang recess.

Pero hindi pa man ako nakapagsimula ay kinilabit ako ni Elton. "Hey, wazzup how you doin'?" Untag niya sa'kin at hinawakan ang balikat ko.

Umilag ako dahil ayaw ko ng ganun. "Oh, sorry. Did I offend you?" Takang tanong niya.

Umiling ako, "Hindi naman, ayaw ko lang kasi ng may humahawak-hawak diyan sa balikat ko, hindi ako sanay"

"Opps, sorry I must've know" ngiti niya.

"Pwede ba, tigilan mo ang kaka-English?" Pagsusungit ko, ang arte kasi sa pandinig.

"Okay, okay" iwinagayway niya ang palad niya sa ere. "So, kumusta ka na?"

"Ayos naman ako, ito tao pa'rin" sinubukan kong magbiro. Tumawa naman siya. "Uy, manlibre ka naman sa'kin, minsan lang ako nagpapalibre" usal ko habang inaayos ang mga libro sa mesa sa part ko.

"Oo naman, sure. Kailan ba?" Sabi niya pa.

"Saturday, pwede ka?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, I don't have any schedules this Saturday, so sa'n tayo magde-date?" Nang-aasar niyang tanong.

Umirap ako sa kanya at nag-iwas ng tingin, "Kahit saan, ikaw naman ang manlilibre, eh"

Ngumiti siya ng malapad, "Okay, see you then, ite-text nalang kita" sabi niya at inilabas ang cell phone. "Pakibigay ng number mo" at inilapag niya sa mesa ang cell phone niya.

Nag-type na agad ako ng number ko at sinave iyon sa Contacts niya. Ibingay ko na 'yon agad dahil biglang lumapit sa'kin si Belle. "Bumalik ka na" pagtataboy ko kay Elton. Ngumiti lang ang loko at bumalik na sa upuan niya.

Ilang saglit lang ay prayer na at matapos niyon ay dumating na ang guro namin sa period na 'yon.

Nagtuloy tuloy na ang klase at hanggang sa lumipas na ang maghapon. Hanggang sa uwian na at lahat ng mga estudyante ay nakauwi na. Nandito pa ako sa third floor ng campus at nakatayo sa likod ng mga classroom. May hallway dito na kasinglapad din ng front hallway.

The Will Of The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon