Reave's POV
"Reave," tawag sa'kin ni Amanda. Nandito kami ngayon sa mall. Nagyaya siyang mamasyal kami. Bumabawi rin ako. Baka isipin niyang hindi ko siya sineseryoso.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Namimili siya ng damit niya.
"Bagay ba 'to sa'kin?" Tanong niya habang hawak ang isang dress na sa tantya ko ay hanggang legs niya lang kulay blue iyon at floral ang design. Ayaw kong hindi-an siya, baka magalit pa.
"B-Bagay naman" nag-aalinlangan ako.
"Ah, thank you for appreciating. Well, sa totoo, matagal ko na 'tong gustong bilhin, kaso lang now lang binigay ni mommy ang allowance ko" ngingiti ngiti siya.
"Wala ka na bang ibang bibilhin?"tanong ko sa kanya.
"Well, wala na. But, magwi-window shopping ako dun sa fave kong boutique" ngumiti siya at naglakad papalapit sa cashier at sinundan ko rin siya.
Nanag i-punch na ng cashier ay nakita ko ang price sa monitor na nakaharap sa'min. Nagulat pa ako, "Sure ka bang bibilhin mo 'yan?" Tanong ko.
Ang mahal kaya ng damit tsaka baon niya 'yon. Bina-budget niya yon. "Yup, mom won't be angry if I bought like this because ito din naman ang gusto niyang suotin ko, eh"
Nagulat ako sa sagot niya. Hindi ganito ang inakala ko sa kanya. "O-Okay" sagot ko nalang.
Nang matapos ang pagbili niya ay pumunta kami sa sinasabi niyang boutique. Nakitingin din ako at nakakagulat ang mga presyo, sobrang mahal!
Merong tag two thousand, may tag-three thousand. At ang pinakamurang nakita ko ay nasa halaga lang ng one thousand eight hundred. Pero hindi maganda ang style, pero bawi lang sa uri ng tela.
Magaganda ang mga tela, kaya siguro mahal. "May napili ka na?" Tanong ko nang makabalik siya mula sa pagpili.
"Meron na, but I'll buy it next week. Shall we?"
"Saan?"
"Kakain, nagugutom na ako" sabi niya at hinimas himas ang tiyan niya. "Can you please bring this one for me? Please" pakita niya sa paper bag na may laman ng dress na binili niya.
"Sure" sagot ko sa unang sinabi niya pero kinuha ko 'rin ang paper bag.
"Uhmmm, sa'n ba magandang kainan?" Tanong niya at hinimas himas pa ang baba niya. "Alam ko na, dun tayo oh" turo niya sa kalapit na pagkainan. Mahal 'yon doon, wala akong budget kung sakali mang ako ang palilibrehin niya.
"Mahal dun 'di ba?" tanong ko nalang.
"Don't worry, treat ko. Unplanned ang lakad na 'to so, I understand" ngumiti siya na sinuklian ko rin ng ngiti.
Pumunta na agad kami sa pagkainan na tinuro niya. Nang makaupo kamia y nilapitan agad kami ng waiter. "Good afternoon mam, sir. May I take your order?" ngumiti siya sa'min at ibinigay ang menu.
Lumili na agad siya ng kakainin namin, pinapili na rin niya ako at pumili din naman. Umalis na ang waiter matapos naming makapili.
"You know what, I crave for this foods this past few days. Mom, usually take me to restaurants that are more expensive than this, but I crave for this cheap foods" kwento niya, nagulat pa ako sa sinabi niyang cheap foods eh ang mahal nga nung binebenta nila dito, kada dish ay nagkakahalaga ng halos three hundred pataas.
"Hindi ka ba nagse-save?" I asked out of curiousity.
"Nope, mom used to say that to me. But, eventually I tried to save pero madami akong gustong bilhin eh, kulang pa nga ang allowance ko" sabi niya.

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
RandomDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...