Pleiades' POV
Tinipa ko ang gitara ko ng mahina. Plucking lang ang ginagawa ko. Mas gusto ko ang plucking kapag gusto kong kumalma. Nanatili akong nakatuon sa dagat.
Natapos na ang kanta. Nararamdaman ko na may nakamasid sa'kin, nilingon ko iyon. Ganun nalang ang gulat ko nung makita si Reave.
Nakatingin lang siya sa'kin, may halong pagkalito ang mukha. Ngumiti ako. Lumapit siya sa'kin at tumabi sa'kin sa pagkakaupo sa batuhan.
"Marunong ka palang mag-gitara?"
Nilingon ko siya, kumunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagkakatingin niya. "Ba't mo natanong?"
"Ahh. Wala lang. Marunong din ako nun." Ngumiti siya sa'kin.
Nandun na naman 'yong mga ngiti niyang nakakalunod 'pag tititigan mo.
"Ahh" tumango tango lang ako.
"Ahm. May nakapagsabi sa'kin noon na, mas maganda daw kasi sa isang tao ang merong talento, lalo na sa musika" alam kong nakangiti na naman siya dahil dun.
Nilingon ko siya, halos tinitigan ko ang mukha niya. Halos makain ko na ang buhok ko dahil sa lakas ng hampas ng hangin na patungo sa lugar namin.
Napanganga ako. Napanganga lang naman ako dahil inalis niya ang nakatabing na buhok sa mukha ko at inilagay iyon sa likuran ng tainga ko.
Ngumiti siya, napangiti na 'rin ako. "Alam mo, maganda ka kapag nakangiti" sabi niya. Nag-iwas ako ng tingin.
"Ah, hindi naman talaga ako maganda, eh" nahihiya na ako, walang lalaki na nagsabi ng ganto sa'kin. Takot sila sa'kin.
"Hahahahahah, 'yan ang gusto ko sa'yo, eh. Hindi ka katulad ng mga tipikal na babae na kinikilig kapag pinupuri sila. Gusto koa ng mga ganong klase ng babae" nakangiting aniya.
"Ganun ba si Amanda?" Hindi ko inasahan ang naging tanong ko.
"Hindi. Kakaiba lang siya. Siguro nakaka-attract sa kanya ang pagiging athlete niya" ngumiti siya sa'kin.
"Ahh" sumang-ayon ulit ako.
"Pero minsan, may mga hindi ako nagugustuhan sa kanya" nilingon niya ako.
"Ano?"
"Minsan ay para siyang bata kung mag-react. May kaartehan din siya. Pero inisip ko, baka parte lang ng pagiging babae niya" bumuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin.
Humugot ako ng malalim na hininga at tahimik na pinakawalan iyon. "Gusto kong matutong mag-gitara" sabi niya pa.
"'Di ba, alam mo naman 'yon, noon?" Nagtataka kong tanong.
"Nakalimutan ko na. Matagal na 'yon. Pwede pakituro?" Kumunot ang noo ko imposible naman siguro 'yon.
"S-Sige ba" nautal ako.
"Talaga?" Para pa siyang hindi makapaniwala. Tango lang ang isinagot ko.
Sinimulan ko na ang pagtuturo sa kanya, at siyempre naman nahahawakan ko ang kamay niya 'pag mali ang postura ng hintuturo niya.
"Ahhh" aksidenteng naipit ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakaipit niya sa isang chord habang tinuturuan ko siya bg tamang pwesto.
"Ah, sorry. I didn't mean to" hinimas himas niya ang hintuturo ko na naipit. Hinipan niya iyon, as if mawawala naman ang sakit. Parang may kiliti akong naramdaman sa katawan ko.
Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at itinago iyon. "Ayos lang. Magiging ayos din 'to" ngumiti ako. Parang pumipintig ang parte na naipit at masakit iyon.
BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
RandomDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...
