Pleiades' POV
"AT ikaw si Reave 'di ba?" Tanongko rin ng nagtataka. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit nandito sila. Hindi ko inaasahan na paparito siya. At dito pa talaga sa favorite na lugar ko!
Ngumiti lang siya sa'kin. Yung ngiti na katulad ng kanina. Bubuka na sana ang bibig niya nang biglang mangibabaw ang boses ni Ate Emily. "Lei, halika na dito. Narito na ang mga magulang mo. Hinahanap ka," sigaw niya mula sa puno ng acacia.
Tumalon ako sa bato at lakad-takbong pumunta sa kay Ate Emily. Nagpatiuna siya sa paglalakad at sumunod naman ako. Dala ko pa'rin ang aking diary.
Nang makarating kami sa bahay ay nandun na sina mama at papa. Si mama ay abala sa paglalabas ng mga pinamili niya. Si papa naman ay nag-a-arrange sa cabinet ng mga pinamili ni mama. Lumapit ako kay mama at nagmano at humalik sa pisngi niya. Ganun din ang kay papa.
"Hija, tulungan mo nga ang kapatid mo sa taas, may assignment siya," ngiti ni mama habang naglalabas pa'rin.
"Ah, oo po" umakyat ako sa taas. Nadatnan ko si Hope sa study table. Nakapatay pa'rin ang lampshade kaya in-on ko 'yon. Nakakunot nag noo niya habang binabasa ang nakasaad sa libro at notebook niya.
"Ah, Science pala" sabi ko at tinabihan siya.
"Ate, patulong," tiningnan niya ako ng may nangungumbinsing tinig at nag-puppy eyes pa siya sa'kin.
Tumawa muna ako, "Ikaw pa ba naman ang hi-hindi-an ko? Syempre," at tinulungan na siya.
Nasa ikatlong baitang palang si Hope. Malayo ang agwat ng edad namin sa isa't-isa. Nahihirapan siya sa field ng Science at sisiw lang sa kanya ang sa Math. Magkaibang-magkaiba kami. Nakikinitaan na siya ng interes sa Matematika at balak ni mama na maging Accountant ang kapatid ko kagaya ni papa. Nais din ni mama na maging guro ako, katulad niya. Sabi ni papa, magaling daw ako sa Science kaya may potensyal daw akong maging doktor, pero natatakot ako sa dugo lalo na yung may tama ng katulad ng bala na umaagos talaga ang dugo.
About sa Photosynthesis ang topic nila. Ang sabi ni Hope, nahihirapan siya sa mga terms at mga pangalan ng mga parte ng mga ginagamit at nangyayari sa Photosynthesis.
Matapos kong turuan ang kapatid ko, ipinatawag na kami ni mama para sa hapunan. Nakauwi na pala si Ate Emily. Kumain na kami, gaya ng request ko kay Ate, fried chicken ang niluto niya.
"Lei, kumusta naman ang first day mo?" Tanong ni mommy. Lei ang tawag sa'kin ng mga matagal ko nang kilala pero tinatawag ako sa buo kong pangalan ng mga bagong kakilala ko palang.
"Ayos naman po," sagot ko.
"Hindi ka ba nahirapan?" Si papa ang nagtanong.
"Orientation pa naman ho ngayon pa, baka sa susunod na araw simula na ng regular class." Paliwanag ko.
Ngumiti lang sila ni mama sa isa't-isa
Matapos naming maghapunan ay umakyat na sina mama. Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin, gaya ng nakasanayan na.
Matapos nun ay umakyat na 'rin ako sa kwarto ko. Katabi lang ng kwarto ni Hope ang kwarto ko. Sina mama naman ay sa baba, may sarili silang kwarto dun.
Inayos ko ang nagusot kong bedsheet at humiga. Nakatulog na agad ako, dahil siguro sa kapaguran.
Maaga na nang magising ako dahil sa alarm clock ko sa side table ko. Base sa orasan ay alas-singko na. Naligo na ako at nagbihis. Pagbaba ko ay nandun na sina mama at papa. Parehong busy, si mama ay sa mga lesson plan niya at si papa naman ay nag-iinit ng tubig.
"Oh, handa na ang oatmeal mo dun anak" si mama.
"Kumain ka na, walang maghahatid muna sa'yo ngayon, wala si Alberto" si papa

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
RandomDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...