"Reave, please mag-usap naman tayo, oh?" Nagmamakaawang usal ko habang tumutulo ang luha ko. Pasimple niya lang akong nilingon nang nakakunot nag noo.
"There's nothing to talk about, Pleiades" napabuntong-hiningang sabi niya. Hinawakan ko ang braso niya at lumuhod sa harapan niya. "I love Amanda, Plei I can't replace her. Sorry" nanlulumong patuloy niya.
"So, ganun nalang 'yon?" Umiiyak kong tanong. Tumango siya.
"I cannot love you back Plei. The reasons in my mind are not enough to love you. Hanggang kaibigan lang talaga" pinagkadiinan niya ang salitang "kaibigan" nanlumo akong tumingin sa kanya. "Sana hindi 'to makaapekto sa projects natin." Pahabol niya.
Tinalikuran na niya ako at sakto namang nahagilap ng paningin ko 'rin si Amanda na ngingiti-ngiting nag-aantay kay Reave habang hawak ang isang regalo.
Umiiyak akong tumayo tumalikod sa kanila, pinunasan ko ang aking luha. Nasasaktan ako sa katotohanang hindi ako kayang mahalin ng lalaking mahal ko. At ang masaklap pa, dinudurog niyon, niya, nilang dalawa ang puso ko. Tumakbo ako papalayo, papalayo sa lugar at sa mga taong sinasaktan ako.
BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
RandomDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...
