Reave's POV
Nagising ako dahil sa lamig na bumabalot sa buong kwarto ko. Madilim pa ang kalangitan pero alam kong alas-sais na ng umaga.
Bumangon ako at umupo muna sa tabi ng kama. Napalingon ako sa bintana dahil sa lakas ng hangin na nililipad ang kurtina na nakalagay doon.
Nahagilap ng aking mga mata ang isang kulay pula na sobra na may desinyo na kulay itim.
Binuksan ko ito at binasa ang sulat na nasa loob.
Reave,
Patawarin mo'ko kung di ko man ito masabi sa iyo ng personal. Gusto kong sabihin na sinasagot na kita sa panliligaw mo, kahit kahapon pa iyon.
Matagal na kitang natutunan na mahalin. Matagal na kitang minahal at patuloy pang mamahalin. Sana wag mo akong makalimutan, at sana ako pa'rin ang tinitibok ng puso mo.
Sa aking pag-alis babaunin ko ang bawat sandaling ating pinagsaluhan. Masaya man o hindi. I treasure every moments that I am with you.
Please take care of yourself. When I come back, please I wanted you to be happy. Even if it's not with me. Babalikan kita mahal ko, babalikan kita pangako iyan.
Sa aking paglisan, dala ang mga ala alang mahirap ibaon sa limot. Masakit man isipin, ngunit paaalam. Mahal kita Reave, mahal na mahal.
-Pleiades.
Tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Kahit may nahbabadyang ulan tinakbo ko ang layo ng bahay nila Pleiades. Hinihingal ako ng makarating doon.
"Hope?" Tanging si Hope lang ang nakita ko doon. "Asan ang ate mo?" Hinihingal na usal ko.
"Nasa airport na po sila kuya. Kanina lang po. Bakit po kuya?" Inosenteng sabi niya.
Tumakbo na agad ako at di na siya sinagot pa. Dala dala ko parin ang sulat sa kamay ko. Umaambon na pero wala parin akong tigil sa pagtakbo marating lang ang airport. Malapit lang den naman kasi ang airport dito sa'min.
Nang marating ko ang airport, hinanap ng mga mata ko ang sasakyan nila nagbabakasakaling nandun pa sila at lulan nun.
Lakad takbo ang ginawa ko nang makita ko na din sa wakas. Yakap niya ang pamilya niya at kumalas lang ng makita ako. Katulad ko, nagbabadya na din ang mga luha sa mga mata niya.
Pleiades' POV
"Mag-ingat ka dun anak ha, we will miss you." Si mama habang yakap nila ako.
"Anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo dun ha, makinig ka kay Oji-Chan mo, wag kang pasaway. Kung pwede, tumawag ka sa'min."
Naiiyak ako, hindi ko alam kung bakit. Parang ayaw akong palakarin ng mga paa ko papunta sa eroplano. Nasa gilid si Ate Emily at alam kong naiiyak na din siya.
Nagpadala na ako ng sulat kay Reave, sinasagot ko na siya. May tiwala ako sa kanya na hihintayin niya ako. At umaasa akong darating ang araw na yun.
Nakarinig ako ng mga yapak na halatang tumatakbo papalapit samin. Biglang naging alerto ang mga tauhan ni Oji-Chan.
"Plei" nanghihinang usal ni Reave. Hinihingal siya batid kong tinakbo niya ang distansya ng bahay nila at ng airport dahil konti lang ang bumabyaheng motor dahil nga umaambon.
Sinenyasan ko ang mga tauhan ni Oji-Chan na huminahon. Lumapit ako sa kanya at sinalubong siya ng yakap. Tumulo na ang mga luhang pinipigilan ko.
"Bakit ka aalis? Kakasagot mo pa sa'kin diba? Mag-cecelebrate pa tayo ng monthsary, tsaka pati na rin ng Anniversary. Iaannounce ko pa sa buong mundo diba, that I have the most amazing girlfriend in the world." Umiyak siya habang yakap yakap ako.

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
RandomDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...