Chapter 14

18 2 3
                                    

Pleiades' POV

"Babe, ito oh. Yung pinapabili mo sa'kin" si Elton. Inuutusan ko siya ng mga bagay bagay, kahit na hindi ko naman kailangan.

Siya na mismo ang nagsabi sa'kin na dapat para talaga kaming mukhang magnobyo.

Ito na ang sinasabi niyang FAVOR sakin. Siya mismo ang nagdesisyon tungkol dito. Paano ba kami napunta dito?

-Flashback-

"Hindi ko nga alam anong gagawin ko sa favor na 'yan eh" naguguluhang usal ko.

"Basta, ganito ang mangyayari, we will pretend na boyfriend mo ako, then we will do what usually boyfriends and girlfriends do such as being sweet to each other, including--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Except kissing each other" sabi ko at umirap.

"...including hugging each other, at ang pagsunod sa mga utos nito" he continued.

Hayys, nakahinga na naman ako ng maouwag dahil sa sinabi niya, thank God.

"Pero bakit naman 'yon ang gagawin natin?" takang tanong ko.

"Well, para naman hindi ka ma-friendzone. That is one way para malaman mo na may gusto siya sa'yo. Paselosin mo siya" seryoso talaga siya.

"Okay, okay, fine" pagsuko ko na itinaas pa ang kamay.

-End of Flashback-

"Ilagay mo lang dyan" sabi ko at hindi lumingon sa kanya.

Tatlong araw na simula nung masimulan namin 'tong ginagawa namin. Pero hindi ako sigurado kung successful ba, dahil nagkakasama pa 'rin kami ni Reave at parang wala lang sa kanya 'yon.

Ang hirap palang ganito, nagpapapansin ka pero hindi ka naman napapansin.

Gumagawa ako ngayon ng assignment namin sa classroom. Ayokong gumawa ng assignment sa bahay.

Marami pa kami dito sa classroom, iba iba ang ginagawa.

"Pre, kailan naging kayo ni Pleiades?" Narinig kong tanong ng isa sa mga kaklase namin. Tiningnan ko iyon, si Raji at kasama niya si Reave na napatingin sa'kin.

Nag-iwas ako ng tingin dahil baka hindi ko na kayanin na titigan siya. "Ah, bago lang pre" tugon ni Elton.

Tumawa muna si Raji, "Swerte mo pre, napabahag mo ang buntot ng amazona" napalingon ako sa kanya. Tumatawa na siya ng malakas habang si Reave naman ay nag-iwas ng tingin. Parang alam ko na kung saan galing ang balitang 'yon ah.

"Sa'n mo ba galing yan?" Seryosong tanong ko at tumayo saka hinarap siya.

"Ah," kinamot niya ang batok niya at napalingon kay Reave na tumikhim at pinanlakihan siya ng mata.

"Alam mo, tinitiris ko ang mga taong hindi mapagkakatiwalaan" usal ko at lumapit ng bahagya kay Raji na ngayon ay takot na takot.

Palihim na tumatawa si Elton, nakikita ko sa gilid ng mata ko.

"Sinasaksak ko ng ballpen ang leeg ng mga taong pakialamero" patuloy ko at dinampot ang ballpen at nilaro-laro 'yon sa kamay ko.

Bahagya pa akong lumapit sa kanya at mas lalo pa siyang napaatras nang hawakan ko ang kwelyo ng uniform niya at ibinuwelo ang ballpen sa harapan niya at napaiwas siya ng mukha kasabay ng pagpikit ng mata niya.

Nakakatawa ang reaksyon niya, kaya tumawa ako ng malakas.

Yong tawa na parang demonyo na nag-eecho sa buong classroom kaya napalingon ang iba kong kaklase.

The Will Of The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon